^

Pang Movies

Kris ayaw abalahin ang Presidente!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang suportang ibinibigay ni President Noynoy Aquino sa labang pinagdadaanan ngayon ng bunsong kapatid na si Kris laban sa ex-husband na si James Yap?

Pero say nga ni Kris sa kanyang panayam sa The Buzz, bago siya umalis patungong Paris, ayaw na niyang abalahin pa ang kuya sa kanyang personal battle na ito.

 â€œI don’t want na who he is will influence what will come out after the hearing,” she said.

“Although nangumusta siya sa mga bata pero ‘yung personal na pag-uusap ayaw ko talaga kasi kawawa na siya. Hindi niya deserve and ayaw kong makadagdag sa problema.”

As we all know, umalis si Kris last Saturday kasama ang dalawang anak na sina Joshua and Baby James para mag-spend ng Holy Week doon. Two weeks silang mawawala at sabi nga niya the last time she’s been in Europe was 21 years ago pa.

“As in, half a lifetime ago, kasama ko ang mommy ko (the late President Cory Aquino). At lahat ng pupuntahan namin ngayon pinuntahan namin ng mom. 

“So, I was telling my sisters na, sabi ko, ang ano ng feeling na sana talaga mag-enjoy ang kids. Mag-enjoy kami. Magkaroon kami ng time for a lot of prayers,” she said.

Para kay Kris, she considered this vacation as a gift from God especially sa pinagdadaanan nila ngayon ng bunsong anak na si Bimby. Bukod sa magkakaroon sila ng much needed break, ito rin ang pagkakataon niya to be a full-time mom.

“I’ll make the most of this opportunity, which is to be a mom.  I’m happy that we’re together. We’re leaving and excited sila sa mga gagawin namin.

“Pero hindi mo naman kasi puwedeng mabura just by leaving kung anuman ’yung pain na meron, lalo na roon sa maliit ko,” sabi pa ng Queen of All Media.

Whattamen nasa Jeepney TV na

Makalipas ang sampung taon mula nang magtapos ang programa, muling pagsasama-samahin ng Jeepney TV ang mga bida ng comedy hit series na Whattamen na sina Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Vhong Navarro, John Prats, AiAi delas Alas, at writer nitong si Jose Javier Reyes sa Whattamen: Reunited, ang unang proyektong iprinod­yus ng cable channel sa naturang programa.

Napapanood ang Whattamen: Reunited sa Jeepney TV tuwing Martes from 7:45 p.m. to 9:45 p.m.

 

 

vuukle comment

DOMINIC OCHOA

HOLY WEEK

JAMES YAP

JOHN PRATS

JOSE JAVIER REYES

JOSHUA AND BABY JAMES

MARVIN AGUSTIN

WHATTAMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with