^

Pang Movies

Ynna nadala na naman sa lambing ni Mark

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Mark Herras na dahil sa pagiging abala niya sa Unforgettable ay halos mawalan siya ng panahon para sa kasintahan niyang si Ynna Asistio.

Sa isang interview nga ni Ynna ay nasabi nga nito na hinamon nito si Mark ng hiwalayan dahil nawawalan na sila ng panahon para sa isa’t isa.

Nasabi naman ni Mark na sa limang taon na may relasyon sila ni Ynna ay marami na silang pinagdaanang mga pagsubok. May mga naging pagkukulang din siya kay Ynna kaya hangga’t maaari ay gusto niyang ayusin ang anumang problema nila, tulad ngayon na may kinalaman ang trabaho niya sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

 â€œTalagang nawalan ako ng time for Ynna. May kinalaman talaga ’yung series namin ni Kylie (Padilla). Since nagsimula kami, parati kaming naghahabol sa taping. Kaya halos everyday may taping kami. Lalo na ngayon, nagba-bangko kami dahil Holy Week.

“Kapag may libreng araw si Mark ay tinutulog na lang niya ito dahil kinabukasan ay alam niyang may taping siya.

“Pinapaintindi ko naman kay Ynna iyon. Siyempre nami-miss kasi niya ’yung times na magkasama kami. Lalabas kami para kumain. Marami pa kasi kaming time noon. Ngayon kasi talagang sagad ang schedule ko. Naintindihan naman na iyon ni Ynna. Okay na kami.

 â€œSiyempre noong naghamon siya ng hiwalayan hindi ko sineryoso. Alam kong nagtatampo lang siya. Kulang lang sa lambing iyon,” sabay tawa pa ni Mark.

Ngayong Holy Week break nga, babawi na si Mark sa mga panahon na nawala sa kanila ng girlfriend. Wala pa silang plano kung saan sila magbakasyon pero sigurado ay kasama rin sa bakasyon nila ang kanilang pamilya.    

Starlet narindi sa pagpaparinig ng kaaway na kapwa starlet, pinilipit ang braso at binantaan na ’wag nang uulit

Nagkaroon pala ng matinding confrontation sa isang kilalang bar sa Quezon City ang dalawang sexy starlets na ito. Noon pa man ay meron nang kung anong rivalry ang dalawa pero tahimik lang ang isang starlet dahil ayaw nito ng gulo. Tama na ’yung tahimik siya at patuloy ang magandang takbo ng buhay niya.

Pero ang isang starlet ay ayaw magpaawat at tila hina-harass pa ang rival niyang starlet. Tine-text niya ito ng kung anu-ano at sa Facebook account nito ay kung anu-ano ang mga sinusulat niyang nakakasira sa inaaway niyang starlet.

Sa isang event nga na isang kilalang bar ay parehong naimbitahan ang dalawang starlet. Si Starlet A ay may kasamang boylet na isang athlete at nababalitang ito na ang bagong boyfriend niya.

Si Starlet B naman ay dumating na solo lang at mga kasama ay mga bading na friends niya. In fighting mode ang Starlet B dahil sinadya niyang magsuot ng outfit na halos lumuwa na ang malalaking dyoga niya.

Sa loob ng bar ay magkatabi lang ang lugar nina Starlet A at Starlet B. Sa lugar ni Starlet B ay tawa ito nang tawa kasama ang mga bading. ’Tapos ay kung anu-ano ang pagpaparinig na ginagawa kay Starlet A. Pero pormal pa rin si Starlet A at nagpapakadisente sa naturang event.

Pero noong may masabing personal na si Starlet B laban kay Starlet A ay doon na nagpanting ang tenga ng huli. Hindi na raw niya ito palalagpasin.

Hinintay ni Starlet A na tumayo si Starlet B para pumunta sa ladies room. Nang tumayo ito na pasuray-suray ay sabay tayo rin ni Starlet A at slightly na kinaladkad niya si Starlet B sa may hallway na papunta sa ladies room.

 Hinawakan niya ang leeg at ang isang braso ay pinilipit niya sa likuran nito. Sobra-sobra na raw ang tinitiis niya sa mga pagpaparinig nito. Pero kapag dinamay na ang pamilya niya sa kalukahan nito, hindi na siya puwedeng tumahimik.

Kung tutuusin nga raw ay kaya niyang balian ng braso si Starlet B sa pagkakataon na iyon o ’di kaya sampal-sampalin niya ito hanggang magdugo ang bibig. Pero masyado raw siyang disente para sobra niyang saktan ang taong hindi makalaban dahil sa sobrang kalasingan.

Pinagsabihan lang niya ito na subukan pa niyang magparinig na nasa paligid siya, automatic na sasapakin na niya ito hanggang mabungian ito. Handa siyang mademanda dahil may tiyuhin naman daw siyang abogado.

Nang bitawan ni Starlet A si Starlet B ay tu­akbo na ito pababa sa parking lot at doon na lang niya tinawagan ang mga bading niyang friends para umalis na sila. Nang pumasok na ulit sa bar si Starlet A, nakita niyang nawala na ang mga bading na alipores ni Starlet B.

Kalmante siyang bumalik sa lugar nila na tila walang nangyari sa may hallway.

 

NIYA

NIYANG

PERO

STARLET

STARLET A

STARLET B

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with