^

Pang Movies

Lovi nagpapa-hard to get pa sa GMA?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natawa kami sa isang kasamahang press na nagsabing ipapaputol daw niya ang daliri niya kapag lumipat sa TV5 si Lovi Poe. Eh bakit pinalitan siya ni Bela Padilla sa Love and Lies para makatambal ni Richard Gutierrez kung hindi siya lalayas sa Kapuso? Naka-three days nang nagti-taping si Richard under Mark Reyes sa Ternate, Cavite. Hindi pa raw kasi tapos ang negotiation ng GMA Network sa manager ni Lovi kaya kumuha na lamang sila ng ibang leading lady ni Richard dahil pilot telecast na ng nine-week series ng GMA 7 sa April 8, kapalit ng Temptation of Wife.

Kaya wait na lamang kung kailan nga muling pipirma ng contract si Lovi sa GMA Network.

Raymart patok ang raket na cameraman sa helicopter

“Napansin ninyo, hindi ko napansin,” ma­sayang sagot ni Raymart Santiago kung bakit nanatili siyang loyal sa GMA Net­work. â€œSabihin na lamang natin na hin­di naman nila ako pinababayaan mula nang nagsimula ako rito in 2002 sa Kool Ka Lang. Hindi ako humihingi ng project.

Tinatawagan na lamang nila ako kapag may story na bagay sa akin. October pa ’yung last drama series ko, book one and two ng Luna Blanca. Dapat gagawin namin iyong Mrs. Snow White a month ago pero sa storycon pa lamang ay nag-decide na kaming huwag ituloy dahil masyadong mahirap for Carla Abellana dahil all throughout ng serye ay naka-prosthetics siya. 

Siguro kung movie puwede pero sa TV kung 16 weeks ito tatagal, three times a week taping, kawawa naman si Carla.”

No worries naman kay Raymart kung hindi natuloy ang project dahil bukod sa pagma-manage ng kanyang Red Garlic Restaurant (na magkakaroon na ng branch sa The Fort, Taguig), hindi rin siya nawawalan ng raket sa kanyang HeleTelevision na kumukuha ng mga aerial shot na hindi kayang i-shoot ng camera kung gagamit lamang ng crane. Ilang taon na rin niyang ginagawa ito using a small helicopter na may camera. Mahusay ang kanyang piloto at si Raymart ang nasa monitor at through remote control ang nagsasabi sa piloto kung ano ang gagawin. May commercials na rin siyang nagawa at ilan sa mga movie na ginamitan ng HD 500 niya ay ang Thy Womb, Lost Command episode ng Shake, Rattle & Roll 14, El Presidente, at katatapos lamang niya ng Raketeros na dinidirek na kapatid na si Randy Santiago. Siya rin ang kumuha ng aerial shot ni Rhian Ramos na nasa itaas ng bundok sa Indio.

Kinukuha nga raw siya ni Direk Maryo J. delos Reyes para sa shooting nito ng Bamboo Flower sa Bohol pero hindi niya tinanggap dahil nagsimula na silang mag-taping kahapon ng Home Sweet Home sa Bulacan. 

Naiibang adventure-telefantasiya ito para sa mga batang manonood simula sa April 22 sa GMA 7 bago ang 24 Oras. Gaganap na wife niya sa story si Roxanne Guinoo at mga anak sina Jillian Ward at Jake Vargas. 

 

vuukle comment

BAMBOO FLOWER

BELA PADILLA

CARLA ABELLANA

DIREK MARYO J

EL PRESIDENTE

KUNG

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with