^

Pang Movies

Team Chiz dumami Heart humagulgol, nahihirapan sa gitna ng laban ng parents at ng BF

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kung overwhelmed man si Kris Aquino sa dami ng mga suportang natatanggap niya mula sa kanyang pamilya, kaibigan, at fans sa pinagdadaanan niyang isyu ngayon sa kanyang ex-husband na si James Yap, aba, hindi rin nagpapahuli ang basketbolista dahil humahakot din siya ng maraming bilang na kumakampi sa kanya lalo’t nagpakita siya ng emosyon sa national TV.

In fairness kay James, hindi lang puro kababaihan ang sumusuporta sa kanya kundi pati ang mga kalalakihan ay nagbo-voice out na rin ng reaksiyon at opinion para sa dating asawa ng TV host. Bino-boo pa nila si Kris tuwing napapanood nila ito na umiiyak. 

Samantala, kung meron mang Team James, marami rin ang bilang ng mga kalalakihang nakikisimpatya sa senador na si Chiz Escudero kaya meron na ring nabuong Team Chiz sa kabila ng hindi pagsang-ayon sa kanya ng mga magulang ni Heart Evangelista. Mas tumindi pa ang suporta sa magdwoyang Chiz at Heart nang humagulgol ang aktres sa interview sa H.O.T. TV kahapon sa GMA 7 dahil sobrang nahihirapan siya sa pagitan ng kanyang boyfriend at parents nito.

Michelle O’Bombshell, finesse sa pagho-host

Marami ang natuwa sa pag-host ni Michelle O’Bombshell nang mag-host ito kamakailan sa 27th anniversary ng Pilipino Star Ngayon sa aming opisina sa Pier South, Manila City.

Nagustuhan ang maayos at finesse na pagho-host ni Michelle sa nasabing event. Hindi kasi nakatikim ng panlalait mula sa komedyanteng host ang mga empleyado at nakakatawa pa rin ang kanyang punchline at in good taste.

Habang naghihintay si Michelle O’Bombshell sa party ay may hawak itong makapal na yellow pad dahil nagsusulat din daw siya ng script para sa kanyang live show sa Zirkoh, Klownz, at Library. Isa rin siya sa naging writer ng unang matagumpay na concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart-Araneta Coliseum.

Siya rin ang naging head writer sa show ni John Lapus kamakailan.

Scholar pala si O’Bombshell mula elementary hanggang high school ng Benigno Aquino Foundation sa Ateneo University. Batchmates niya sina Chito Miranda at Vinci Montaner ng Parokya ni Edgar at ang sportscaster na si TJ Manotoc. Undergraduate naman siya sa UP Diliman ng kursong business economics at naging member ng SAMASKOM group ng UP Diliman kung saan siya nahasa sa teatro, pagsusulat, at pagkanta.

Kasabayan niya sa nasabing grupo sina Giselle Sanchez, Direk Lauren Dyogi, Ate Glo, at marami pa. Ang pamilya niya ay nasa negosyong talyer at masuwerte lang siya dahil meron siyang supportive na pamilya at tanggap ang kanyang pagkatao.

 

ATE GLO

ATENEO UNIVERSITY

BENIGNO AQUINO FOUNDATION

CHITO MIRANDA

CHIZ ESCUDERO

DILIMAN

DIREK LAUREN DYOGI

GISELLE SANCHEZ

MICHELLE O

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with