^

Pang Movies

Sorry ni Jason ayaw tanggapin ni John

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inamin ni Jason Francisco na nasaktan niya si John Prats sa taping ng Banana Split kamakailan. Ang ugat ng galit ng binata ay ang madalas na panunukso ni John at mga kasamahan nito sa programa sa dati niyang ka­sintahan na si Melisa “Melai” Cantiveros.

“Nagawa ko talaga ‘yon sa kanya. Parang napikon ako sa kanya kasi parang mayroon na kami dati na something na parang napipikon na ako. So, parang ngayon lang dumating ‘yung punto na parang nag-burst out sa damdamin ko, parang ang bilis ng pangyayari, na nagawa ko sa kanya ‘yun. Kasi minsan ‘yung tuksuhan, natutukso si Melisa, so, parang ako man ay nasasaktan para sa kanya. Hindi niya alam ‘yon,” sabi ni Jason na umaming nililigawan muli ngayon ang komedyana.

Dahil sa nangyari, humingi ng patawad si Jason sa nasaktan niyang si John. Ayon pa kay Jason nais din niyang mabigyan siya ng pagkakataon na personal na makahingi ng tawad kay John.

Samantala, desidido ang manager ni John na si Arnold Vegafria na magsampa ng kaso laban kay Jason.

Sa statement na ibinigay niya, sinabi ni Vegafria na, “I will pursue filing of physical injury charges against Jason Francisco.”

Nakikita ng talent manager na kailangan talaga ito dahil sa “aggravating circumstances of the incident and the brazen, treacherous attack of Francisco against my talent.”

Idiniin pa ni Vegafria na, “[Jason] should be taught a lesson.”

At sa pahayag ni John sa presinto ay tila sarado pa ito na patawarin ang kaibigan at katrabaho.

“Sa ginawa niya? Ano? Ganun? Sorry na lang? Eh kung sapakin ko rin siya ’tapos sabihin ko na sorry din? Ganun lang ba ’yun?

“Siguro dapat talagang dumaan sa law, at pagbayaran niya talaga ang ginawa niya, at hindi puwede ang excuse na dahil probinsiyano siya,” saad pa ni John.        

 

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

BANANA SPLIT

GANUN

JASON

JASON FRANCISCO

JOHN

JOHN PRATS

MELISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with