^

Pang Movies

Rita tinotoo ang pagpapakain ng putik kay Alice!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naiba na ba ang panlasa ng mga manonood ng drama series? Mas gusto na ba nila na totoong nagkakasakitan ang mga artista sa pagganap nila ng mga role nila? Reportedly, kaya lalong tumaas ang rating ng Ina, Kapatid, Anak ng Channel 2, dahil sa totohanang pag-aaway nina Maja Salvador at Kim Chiu na hindi naman kaila na may personal silang away.

Trabaho lamang ang kina Marian Rivera at Glaiza de Castro ang madalas nilang catfight dati sa Temptation of Wife na magpapatuloy ngayong nakalabas na ng mental hospital si Glaiza as Heidi kaya expected nang muling tataas ang rating nila lalo pa at nalalapit na ang pagwawakas ng drama series sa April 5.

Tumaas na rin ang rating ng Never Say Goodbye dahil sa nagka-personalan na raw sa mga eksena sina Rita Avila at Alice Dixson. Noon kasi ay nag-walkout si Rita dahil laging late dumarating sa taping si Alice. Ngayon sa katatapos na taping nila, tinotoo ni Rita ang pagpapakain ng putik kay Alice sa eksena. Nagsimula raw lamang iyon na naputikan ni Alice ang beautiful dress ni Rita kaya ginawa naman ng huli ay ipinakain talaga ang putik (siguro naman ay dinurog na chocolate cookies iyon) kay Alice. 

Nawawala pala ang pagiging professional nila kapag may personal na silang away.

Rocco nakaugalian nang mag-birthday kasama ang may mga kanser

Naging advocacy na ni Rocco Nacino, simula nang pumasok siya sa showbiz, na tuwing magsi-celebrate siya ng birthday sa halip na mag-party ay naggi-gift-giving siya sa mga batang may sakit na cancer. Last Thursday, March 21, ay birthday ni Rocco pero mamayang hapon at 2:00 p.m. gagawin ang kanyang Birthday Charity Party sa McDonald’s Rockwell Power Plant Mall, Basement 1, Makati City. Magiging recipient ng gift-giving ay kids from the Cancer Warriors Foundation.

Wala pang bagong project ngayon si Rocco sa GMA 7, after ng Yesterday’s Bride pero nasa Party Pilipinas siya every Sunday at halos araw-araw ay mayroon siyang GMA Regional TV shows sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Wagas pinapanood na

Nakakaugalian nang panoorin ngayon sa GMA News TV ang magagandang love stories sa kanilang Wagas: Mga Totoong Kuwento ng Pag-ibig. Ma­maya, 7:00 p.m., sina Ynna Asistio at Mike Tan ang tampok sa After 40 Years episode, na nagmahalan noong teenagers pa lamang sila pero nagkahiwalay sa hindi inaasahang pagkakataon. Pero after 40 years, muli silang nagkita (Nova Villa at Buboy Garrovillo) at hindi pa nagbabago ang pagmamahal nila sa isa’t isa. 

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

BIRTHDAY CHARITY PARTY

BUBOY GARROVILLO

CANCER WARRIORS FOUNDATION

GLAIZA

KIM CHIU

LAST THURSDAY

MAJA SALVADOR

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with