^

Pang Movies

Angel nasa alapaap pa rin

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay feeling nasa Cloud Nine pa rin si Angel Locsin after manalong best actress sa nakaraang Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Nanatili ang kababaang loob nito at sinabing marahil sinuwerte lang siya at nakapasa ang kanyang performance sa panglasa ng mga hurado sa One More Try.

Sabi nga nito, “Hindi naman ibig sabihin na ako ang pinakamagaling at tinalo ko pa ang mga premyadong aktres na sina Ate Vilma (Santos) at Guy (Nora Aunor). Siguro may nakita sila sa acting na bago at kaiba sa nakaraan kong pelikula, hindi ako makapaniwala nang manalo at parang na-high blood ako dahil sumakit ang ulo ko sa tension kaya parang walang kuwenta ’yung acceptance speech ko.”

Nang magbigay ng party ang Star Cinema after the awards night sa isang resto ay naimbita rin si Nora at binati pa rin siya at niyakap ng Superstar. Sinabihan nga ni Angel si Guy kung puwede silang magpa-picture taking.

Sarah nagpakita ng cleavage!

Puro magagandang salita ang inukol ni John Lloyd Cruz sa kaparehang si Sarah Geronimo sa presscon ng pagbabalik-tambalan nila sa It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema.

“Lahat nasa kanya na — marespeto siyang tao. Very candid at one hundred percent na totoong tao. Napaka-professional kaya lalong umaangat ang career,” sabi ni John Lloyd sa kapareha.

Sa pelikulang ito ay gagampanan ni Sarah ang karakter ni Laida Magtalas na naniniwala sa tunay na pag-ibig kahit may balakid pa ito. Nagkahiwalay kasi ang dalawa nang magpunta ng Amerika si Laida at nang bumalik ay nakitang kayakap ang former sweetheart ni John Lloyd na si Isabelle Daza. Kaya sa matinding sama ng loob ay bumalik si Sarah ng Amerika at nagtrabaho bilang editorial coordinator ng magazine sa New York.

Pero magku-krus muli ang kanilang landas ni Miggy para sa isang re­conciliation.

Sa kabilang banda, sa trailer pa lang ng pelikula ay maraming nagtaka sa pagiging daring ni Sarah kung saan may eksenang ipinakita ang cleavage sa seksing kasuotan. May nagtanong tuloy kung naaprubahan ba ito ni Mommy Divine?

Pero ayon sa Pop Princess, sa pagdaan ng mga taon, ay nag-mature na siya at nag-iba na ang perception pagdating sa pag-ibig.

Muling kikiligin ang mga moviegoer sa pelikulang It Takes a Man and a Woman na palabas na sa March 30 sa 100 theaters nationwide sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

 

vuukle comment

AMERIKA

ANGEL LOCSIN

ATE VILMA

CATHY GARCIA-MOLINA

CLOUD NINE

ISABELLE DAZA

IT TAKES

JOHN LLOYD

STAR CINEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with