Female TV host todo deny pa, ‘budget date’ sa male model feel na feel naman
Todo deny ang isang female TV host sa pakikipag-date sa isang male model ngayon. Marami nang nakakita sa kanilang dalawa na sobrang sweet nang sabay silang dumating sa opening ng isang bagong beach resort and spa.
Nagulat ang mga kaibigan ng female TV host dahil akala nila ay magkaibigan lang ang dalawa, ‘yun pala ay may nangyayari na sa kanilang kakaiba.
Kapag inuusisa ang female TV host ang real score sa kanila ng male model ay nagba-blush lang siya at sasabihin niyang “what you see is what you get.â€
Tahimik lang ang male model at ayaw magsalita tungkol sa kanila ng female TV host at baka may magalit sa kanya. Marami na kasing nagsasabi na iwasan na niya ang makasama ang female TV host dahil baka malagay lang siya sa alanganin at lumabas pa na siya ay manggagamit.
Pero pure ang intentions ni male model sa female TV host kaya wala siyang dapat na ikatakot. Pero para lang makaiwas sa anumang chika na makakasakit sa kanya ay quiet na lang siya.
Si female TV host pa ang makuwento tungkol sa mga nagiging date nila ni male model. For the first time raw ay dinala siya sa isang “budget date.†Meaning, hindi sa isang mamahaling restaurant sa hotel o sa isang expensive resto-bar. Sa isang simpleng cafe lang na pag-aari ng kaibigan ding dating modelo.
Nalaman pa ni female TV host na walang ibinayad si male model dahil libre na pala iyon ng kanyang kaibigan.
Sobrang na-appreciate naman iyon ng female TV host dahil hindi nagpa-impress sa kanya tulad nang ibang dine-date niya. Naging totoo ito sa kanya kaya tumaas pa ang pogi points nito sa kanya.
Krista malas sa mga nakakarelasyon?!
Marami ang nagtaka kung bakit ngayon lang inamin ng former Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner ang pakikipaghiwalay kay Jay-R. Noong March 2012 pa sila naghiwalay.
Tila itinaon ni Krista na may album siyang ilo-launch kaya ngayon lang niya sinasabi na naging abusive si Jay-R sa kanilang relasyon. Hindi lang verbal kundi physical abuse pa ang inabot niya sa kanyang ex-lover.
Hindi nagsasalita si Jay-R tungkol sa mga sinasabi ni Krista pero from a reliable source, disappointed daw ito sa ex-girlfriend dahil kahit tapos na ang relasyon nila ay itinuloy pa rin niya ang pagtapos ng album na pinagtulungan nilang dalawa noon. Ngayon ay siya pa ang idinaldal na may dipeÂrensiya sa kanilang relasyon.
Hindi ito ang first time na naging biktima diumano si Krista ng kanyang boyfriend. Kung matatandaan ay noong nakarelasyon niya si Polo Ravales (gamit pa ni Krista noon ang name na Krissa Mae Arrieta) ay ibinunyag niya si Polo na inutangan siya at pati mga alahas ay sinangla niya para sa pangangailangan ng aktor.
Patunay lang ba ito na walang matinong lalaki na nakakarelasyon si Krista? O ugali lang talaga niyang magsalita kapag tapos na ang relasyon niya?
- Latest
- Trending