^

Pang Movies

Randy pinakiusapan ng todo para makapagdirek pa

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang may idea na pagsama-samahin ang mga comedian para sa pelikulang ginagawa na niya ngayon, ang Raketeros.

Noong nakaraang Metro Manila Film Festival kasi ay may horror comedy film siyang entry mula sa Regal Entertainment, Inc. at nakita niya ang response ng moviegoers kaya nagka-ideya si Mayor Bistek. Unang nag-usap sila ng mga komedyante na kasama rin sa Shake, Rattle, and Roll. Isa na rito si Dennis Padilla. Agad namang naisip ni Mayor Bistek at Dennis sina Joey Marquez, Andrew E., Ogie Alcasid, at pati nga si Ryan Bang. Pero hindi natuloy ang huli.

Nagkaproblema rin sila kung sino ang scriptwriter, musical director, at director. Naalala nila si Randy Santiago. Pinakiusapan ng todo kahit nasa Amerika nung tumawag si Bistek. ’Yun na agad, pinorma ni Randy ang script na ang title nga ay Raketeros. Ayon sa singer-director, medyo nginig siya sa first shooting day nila pero almost kalahati na ang tapos.

Hanga raw si Direk Randy sa final cast niya na kasama na si Eula Caballero. Mga propesyonal daw at walang late. Produced ito ng mag-asawang Harlene Bautista and husband Romnick Sarmenta. Kasama rin sa mga boss si Hero Bautista.

Finalists ng Kanta Pilipinas may laban lahat

Kahit sino sa Top 12 finalists ng Kanta Pilipinas ng TV5, na napapanood na every Saturday, hosted by Rico Blanco ay hahangaan talaga. Super galing at pinaghirapan ng mga judge na sina Prof. Ryan Cayabyab at Lani Misalucha. Eh sa true lang, maraming magagaling na singer sa ating bansang Pilipinas. Basta kahit sino sa kanila ang win, puwede. May mga K kasi.

Nora nagte-therapy sa iika-ikang paa

Pareho kaming papilay-pilay kung lumakad ni Nora Aunor nung gabi ng Star Awards for Movies. May sugat sa isang paa ang Superstar at tine-therapy ng 20 days sa Lifetime Extension Medical Clinic ni Dr. Gary Sy. Samantalang ako ay nagdikit-dikit ang mga buto ng mga binti. Kulang daw sa calcium.

At pareho rin kaming gustong magpa-therapy dahil kinukuryente ang legs namin. Pero kahit hirap sa paa ang singer-actress, mas naawa pa ang Superstar sa amin.

 

vuukle comment

ANDREW E

DENNIS PADILLA

DIREK RANDY

DR. GARY SY

EULA CABALLERO

HARLENE BAUTISTA

HERO BAUTISTA

KANTA PILIPINAS

MAYOR BISTEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with