Louise itutuloy ang pag-aabogasya!
Laging nakangiti si Louise delos Reyes sa grand presscon ng Mundo Mo’y Akin at hindi mo iisiping may pinagdaraanan siyang problema sa relasyon nila ng boyfriend na si Enzo Pineda. Siguro nga, tamang hindi na muna isali sa trabaho ang kanyang love life dahil sunud-sunod naman ang blessings na dumarating sa kanya. Bukod sa bagong drama series na nagpapabalik sa love team nila ni Alden Richards, busy siya promoÂting a new commercial at katatapos lamang niyang mag-shooting ng isang indie film na Island Dream na isang French actor ang katambal niya na tawag na lamang niya ay Alexi P, na biro niya ay mahirap i-pronounce ang surname. Isang travel guide ang role niya at ilang weeks silang nag-shooting sa lighthouse sa Calatagan, Batangas kaya siya umitim.
Pangit na mabait at lovable pero palaban ang role ni Louise as Marilyn sa Mundo Man ay Magunaw, ipaglalaban niya ang pagiging tunay na Carbonel para maangkin ang tunay niyang mundo na tinatamasa ngayon ni Darlene (Lauren Young). May prosthetics siya pero hindi naman mahirap dahil ang nose, kilay at teeth lamang niya ang nilagyan. Hindi rin affected ang pagsasalita niya dahil nag-test muna siya ng false teeth na gagamitin.
Na-excite si Louise nang malamang si Sunshine Dizon ang gaganap niyang ina, pinapanood daw lamang niya dati ito sa TV. Kay Jaclyn Jose raw siya medyo kinakabahan pero alam niya ibang level of acting naman ang matututunan niya sa mahusay na actress.
Ang isa pang nakakakatulong kay Louise para maging masaya ay ang nalalapit niyang graduation from college.
Sa April 17, isa na siyang bonafide Tourism graduate from Lyceum University in Dasmariñas, Cavite. Itutuloy niya ang pagkuha ng law pero magbabakasyon muna siya ng one year dahil kahit nag-aartista na siya, hindi siya huminto sa studies niya, kahit may times na mahirap lalo na kung puyat siya sa taping.
Bayan ko puwede uling panoorin
Tinutukan namin talaga ang pilot episode ng political drama na Bayan Ko na mahusay na nagampanan ni Rocco Nacino last Sunday, 6:00 pm sa GMA News TV at maraming eksenang alam nating totoo na mga kabulukan sa pamamahala sa isang bayan. Pero sa mga hindi nakapanood ng pilot episode, puwede ninyo itong mapanood online in original high definition format as provided ng network but only in Philippine territory. Heto ang link:http://gmanetwork.com/news/video/154883/bayanko/bayan-ko-full-episode-1.
- Latest