^

Pang Movies

Aktor na karelasyon ng beking singer, lumalandi sa abroad!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Long-distance affair muna ang drama ng mag­dyowang singer at aktor. Kapwa beki ang dalawa pero mas aktibo sa showbiz ang singer ngayon kesa sa aktor.

Imbiyerna nga ang singer sa paglayas ng dyo­wang aktor kasi naman may duda itong maglalandi sa abroad. Kasi naman, guwapo ang aktor, malakas ang kutob ng singer na sasamantalahin niya ang kaguwapuhan upang makaakit ng afam na bading, huh!

Si singer kasi pilit na nagpapakalalaki kahit na nga buking na buking na siya sa mga klase ng kinakanta. Mas madalas kasi nitong kantahin ang pambabaeng songs kesa sa panglalaki kaya pinagtatawanan ang pagpapa-mhin niya.

Dahil sa paglayas ng dyowa, maglalandi rin ang singer sa ibang paminta upang gantihan ang bumabu na dyowa.

Eat Bulaga priority sa ipapalit sa Broadway Centrum

Mall na may sinehan at studio ang itatayo sa gigibaing Broadway Centrum sa New Manila, Quezon City. Ito ang ibinalita sa amin ni Ma’am Malou Choa-Fagar sa lumabas na balitang mawawala na ang studio ng Eat Bulaga sa nasabing gusali.

Pero sabi pa ng EB boss, hanggang December na ang kontrata nila sa Broadway. Kaya hindi pa sila mawawala sa sinehan na ginawa nilang studio. ’Yun nga lang, this early, naghahanap na rin sila ng bagong studio once giniba na ang building.

Sa totoo lang, hindi lang ang Bulaga ang apektado sa pagbabago sa Broadway Centrum. Maging ang mga show ng TV5 sa kabilang studio ay apektado rin.

Kung matutuloy ang negosasyon, kapag nagawa na ’yung bagong studio sa Broadway, isa ang Bulaga sa priority tenant sa bagong gusali.

Jolens hiyang-hiya sa mga biyenan, hindi makabuwelo kaya minamadali ang pinagagawang bahay

Nagpapatayo na ng sariling bahay sina Jolina Magdangal at asawa na si Marc Escueta. Mas inuna nila ang sariling bahay kesa magkaroon ng anak.

Ayon kay Jolens, nang makausap namin sa bagong programa na Mundo Mo’y Akin, nahihiya pa rin kasi siya sa in-laws niya kung saan kasama nila sa bahay.

 Pero hindi ko naman sinasabing mahirap sa bahay nina Marc. Kahit mabait ang parents niya, naiilang ako eh. Naiilang pa ako kahit wala roon palagi ang parents. Mabait naman, nahihiya pa rin ako,” rason ni Jolina sa pagpapatayo ng bahay.

Baka naman hindi kasi sila makapagdyug sa bahay ng parents ni Marc?

 â€œWell, may sarili naman kaming kuwarto! Hahaha! Ayyyy, sabeeee??? May gano’n? Hahaha!” game na tugon naman ni Jolens.

 

vuukle comment

BAHAY

BROADWAY CENTRUM

BULAGA

EAT BULAGA

HAHAHA

JOLENS

JOLINA MAGDANGAL

MALOU CHOA-FAGAR

MARC ESCUETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with