Bistek gusto agad ‘yung role na ginagahasa ang anak pagpasok sa showbiz!
Tuluy-tuloy na talaga ang paggawa ng pelikula ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Katatapos lang siyang mapanood sa Shake, Rattle & Roll XIV last December at ngayon ay may movie na naman siyang ginagawa, ang RakeÂteros na produced ng Heaven’s Best Productions na pag-aari ng pamilya nila.
Ayon kay Herbert, ito raw kasi ang payo sa kanya ni Mother Lily Monteverde of Regal Entertainment, Inc. and Boss Vic del Rosario of Viva Films na at least once a year ay gumawa raw siya ng pelikula.
“Oo, tuluy-tuloy na ‘to, ang dami ko nang naka-line up eh,†say niya nang makapanayam naming sa shooting ng Raketeros sa Lipa City, Batangas last Tuesday.
Comedy film ang Raketeros na pinagbibidahan nilang magkakaibigan na sina Ogie Alcasid, Andrew E., Dennis Padilla, and Long Mejia mula naman sa direksiyon ng isa pa nilang kaibigan na si Randy Santiago. Kasama rin sa pelikula si Joey Marquez.
Naniniwala kasi si Bistek na uso talaga ngayon ang comedy films at noon pa naman niya sinabi na talagang na-inspire siya sa Sisterakas na entry din sa Metro Manila Film Festival (MMFF) last December.
Dahil nga usung-uso sa showbiz na pumapasok ding artista ang mga anak-anak nila, natanong si Bistek kung sino naman sa apat niyang anak ang gustong pumalaot sa showbiz.
Aniya, lahat ng apat niyang anak ay intresado pero sa ngayon ay pinaghahandaan nila ang pagpasok ni Athena, ang pangalawa niyang anak na 16 years old.
“Ayoko ng teeny-teeny bopper. Gusto ko ’pag pumasok siya parang Jodie Foster. Artista. Hindi pa-cute lang. Gusto ko ’pag lumabas siya, ’yung ginahasa siya, ni-rape, para may impact agad,†seryosong sabi pa ng ama.
Pinapahanap na nga raw niya si Harlene Bautista ng materyal para kay AÂthena at nagwo-workshop na nga ito sa ABS-CBN.
“So, ang training ko sa kanya ngayon marunong siya sa instrument, gitara, piano, saka voice,†kuwento niya.
Ready na ba siyang maging stage father?
“Eh hindi maiiwasan,†nangingiti niyang sabi.
Nadako naman ang usapan namin sa pulitika at kinumpirma niya na totoong hindi siya pabor na kumandidato ang kanyang pamilya tulad nina Harlene or kahit pa ang asawa nitong si Romnick Sarmenta sa Quezon City. Ito ay para maiwasan ang political dynasty.
“Nandito na ako eh (sa QC). Siguro, ’pag wala na ako sa Quezon City, puwede na sila,†rason pa niya.
Bakit ayaw niya ng political dynasty?
Sagot niya, “Kasi nakita ko kay Papa ’yan eh. Nung tumakbo akong vice mayor, councilor si Papa, nanalo ako, natalo siya. Dun ini-announce niya sa amin na ‘retired na ako, si Herbert na lang.’ Kasi puwede naman siyang bumalik eh. Vice Mayor ako, puwede naman siyang tumakbong councilor ulit.
“So, sa kanya ko nakita ’yung prinsipyo na ‘okay, si Herbert lang.’ Which is good, ’di ba?â€
May lumabas na issue na nagdamdam daw si Harlene sa pagkontra niya at sabi ni Bistek ay hindi naman daw iyon totoo.
“Hindi. Alam naman nila eh. Okay lang sa akin kung wala na ako sa Kyusi. O sa ibang lugar puwede sila. Basta ’wag lang sa Quezon City,†he said.
- Latest