Aktres nakikisawsaw na sa type na type na tinutuksong guwapong aktor
Nakikisawsaw ang isang aktres sa isyu na kinasasangkutan ng aktor na nali-link sa kanya.
Kung ayaw ng aktres na lumala ang tsismis na may lihim siya na pagnanasa sa aktor, itikom niya ang kanyang bibig na hindi naman kissable.
If I know, type na type ng aktres na tinutukso silang dalawa dahil halata sa kanyang mga kilos ang sobrang fondess sa guwapong aktor.
Ogie at Regine makakabuo uli ng baby sa tagal ng bakasyon sa New York
Binibiro sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na baka masundan na ang kanilang anak na si Nate dahil maÂtagal silang magbabakasÂyon sa Amerika.
Welcome na welcome sa mag-asawa na magkaroon uli ng anak dahil ang sabi nga nila, hindi na sila bumabata.
Kasama nina Ogie at Regine sa kanilang New York trip si Nate. Ito ang first time na bibiyahe sa Amerika ang bagets na nakarating na sa Singapore at Australia.
Erap at Lim nag-research pa para sa matinding word war
May part two ang patutsadahan nina Mayor Alfredo Lim at ex-President Joseph Estrada dahil muli silang nagharap kahapon sa isang campus.
Bonggang-bongga ang reviews at marami ang naaliw nang magharap ang dalawa sa Umagang Kay Ganda noong Martes.
Nag-trending topic sa social media ang pagpapalitan nina Mayor Lim at Papa Erap ng maaanghang na salita kaya inabangan ang kanilang muÂling paghaharap kahapon. I’m sure, mas maÂtindi ang word war nila dahil nag-research sila nang todo sa mga ipupukol laban sa isa’t isa.
Parehong palaban sina Mayor Lim at Papa Erap kaya nakatutok ang buong bansa sa mayoralty race nila sa Maynila.
Louise at Enzo dumadaan sa pagsubok sa relasyon dahil kay Kim?!
Wala naman sigurong kinalaman si Kim RodÂriguez sa balita na nagkakalabuan ang mag-dyoÂwang Enzo Pineda at Louise delos Reyes.
Nagsalita si Louise sa presscon ng Mundo Mo’y Akin na may piÂnagÂdaraanan ang relasyon nila ni Enzo pero gusto nila na malutas, in private, ang kanilang problema.
Idinenay ni Louise na may third party na sangkot pero ang duda ng mga reporter, may ibang tao na nakakagulo sa relasÂyon ng dalawa.
Ayokong isipin na binigyang din ni Louise ng malisya ang napansin ko noon, ang pag-aasikaso ni Enzo kay Kim, ang leading lady niya sa Ang Kakambal ni Eliana.
Kung matatandaan ninyo, ikinuwento ko sa Pilipino Star Ngayon at PM readers ang maÂlisya na na-feel ko nang mag-guest noon sina Kim at Enzo sa Startalk. Asikasung-asikaso ni Enzo si Kim, as in parang nagkakamabutihan sila.
Kung tama ang kutob ng mga reporter, hindi na puwedeng sabihin ni Louise kay Enzo na ang mundo mo’y akin.
- Latest