^

Pang Movies

Sunshine may oras lang ang trabaho dahil sa layo nang inuuwian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May cut-off time pala si Sunshine Dizon sa ta­ping ng Mundo Mo’y Akin. Hanggang 2:00 a.m. lamang ang taping niya porke uuwi pa siya sa Pampanga dahil dito nani­nirahan ang kanyang pamilya.

Mas mabuti yata na maghanap si Sun­shine ng condo unit o apartment sa Me­tro Manila para hindi siya mahirapan sa pagbiyahe sa malalayong lugar.

Hindi maiiwasan na abutin ng uma­ga ang  taping ng mga teleserye lalo na kung pang-primetime ito. Sa pa­roo’t-pa­rito pa lang na biyahe, pagod na si Sunshine dahil may kalayuan din ang Pampanga.

Uwian din sa Pampanga si Sheena Halili pero magkaiba ang kaso nila ni Sunshine. Dalaga si Shee­na at may dalawang anak naman si Sunshine na kaila­ngan ng kanyang alaga.

Pagso-sorry ni Paulo tinanggap na ng Enpress

Matunog na “my friend” na ang tawag ni Jun Nardo kay Paulo Avelino pagkatapos ng pag-uusap nila kahapon sa shooting ng The Bride & the Lover.

Nag-sorry na si Paulo kay Jun bilang ito ang pangulo ng Entertainment Press Society (Enpress). Nagsalita kasi si Paulo na mahirap magtrabaho nang napilitan lang nang mahilingan siya ng Enpress members na mag-present ng award sa Golden Screen Awards for Television.

Pinanindigan ni Paulo na nagbibiro lamang siya pero hindi naniwala ang Enpress. Ang sabi naman ng mga cameraman ng Startalk, hindi nagbibiro si Paulo dahil na-witness nila ang buong pangyayari. Hindi na mahalaga kung nagbibiro o hindi si Paulo dahil mas importante na tinanggap ng Enpress ang kanyang apology. Ang saya-saya ng hitsura nila ni Jun sa interbyu sa kanila na lumabas sa mga news program ‘no?! As if hindi sila nagkaroon ng isyu!

Lovi naninindigan na kaibigan lang si Jake

Gaya ni Paulo, nanindigan si Lovi Poe na loveless siya at friends lamang sila ni Jake Cuenca.

May mga naniniwala sa statement ni Lovi, hitsurang marami na ang sightings sa kanila ni Jake.

Well, karapatan ni Lovi na mag-deny dahil buhay niya ‘yon. Wala siyang ipinagkaiba sa mga artista na gustong maging private ang kanilang mga love life.

Sina Lovi at Paulo ang stars ng The Bride & the Lover, ang coming soon movie ng Regal Entertainment, Inc.

vuukle comment

ENPRESS

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

GOLDEN SCREEN AWARDS

JAKE CUENCA

LOVI

PAMPANGA

PAULO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with