^

Pang Movies

Sam tinawanan ang cover page ni Marian sa FHM

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa sa nakikita naming dahilan kung bakit bongga at maganda ang epicser­yeng Indio ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. bukod sa istorya, malalaking artista at production design ay dahil sa participation ng mga diwata na kinabibilangan nina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Ehra Madrigal, Isabel Daza, Sheena Halili, at Sam Pinto.

Nang dumalaw kami sa set ng Indio sa Cavinti, Laguna kamakailan ay isa ang maganda at napaka-seksing si Sam sa aming nakatsikahan at inusisa namin kung ano ang pagkakaiba ngayong sa telebisyon naman niya nakasama ang senador. Una silang nagkasama sa pelikulang Si Agimat at si Enteng.

 â€œOf course I’m very honored to be here and be a part of this big, big, big, project! Wala namang masyadong pagbabago, ever since naman napaka-gentleman ni Senator Bong. Napakasaya naming palagi sa taping,” saad ni Sam na gumaganap bilang si Lidagat na isang Diwata ng Tubig.

Challenge lang sa kanya ang mga Tagalog lines sa serye, talagang pinag-aaralan niya iyon.

“I’m taking it as a challenge because ’yung mga diwata magagaling mag-Tagalog eh. Mine-memorize ko talaga ’yung script kasi sobrang lalalim po ng Tagalog na hirap na hirap po kaming lahat,” kuwento pa niya.

Bukod sa Indio ay regular na napapanood si Sam sa Bubble Gang at sa Party Pilipinas at kasalukuyang may pelikula siyang ginagawa na Raketeros kung saan ay leading lady siya ni Ogie Alcasid.

Sobrang happy din daw siya sa takbo ng career niya with Kapuso kahit Viva pa ang humahawak ng career niya, sobrang blessed siya.

Meanwhile, hiningan din namin ng reaksiyon si Sam tungkol sa bagong cover ng FHM na si Marian Rivera ngayong buwan ng Marso. Kung matatandaan ay may isyu sa kanilang dalawa noon. Ano ang nararamdaman niya kapag may mga taong pinagbabangga sila ni Marian at ginagawan ng intriga?

“For me I have no idea why they’re doing that. ’Cause I’ve nothing, really nothing against her,” madiin niyang pahayag.

“I think she’s really pretty. She’s really beautiful. And I don’t know, for me I look up to her also for being who she is now. For maintaining her status and who she is now talaga. So I don’t get why they’re making issues,” sagot ni Sam.

Inaasahan na rin na this year ay tiyak na magiging mahigpit ang labanan nila ni Marian sa pagiging No.1 cover girl ng FHM. Any reaction sa bagay na ito?

“Natatakot na nga ako! Hindi,” natatawang bawi ni Sam.

“No, I’m sure lalaban siya and of course her fans are gonna fight for her talaga so, we’ll see what’s gonna happen this year.” (MARY ROSE G. ANTAZO)

vuukle comment

BONG REVILLA

BUBBLE GANG

CAUSE I

EHRA MADRIGAL

INDIO

ISABEL DAZA

MARIAN RIVERA

OGIE ALCASID

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with