^

Pang Movies

Bianca nai-excite na uling ma-in love, maligaya ngayong nag-iisa

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ini-enjoy ng Kapuso actress ang pagiging single ngayon at walang karelasyon kaya naman panay ang rampa niya sa iba’t ibang lugar at pagta-travel sa iba’t ibang bansa. Naka-move on na siya sa breakup nila ng dating kasintahan na si Dennis Trillo kaya mukhang handa na rin siyang makahanap ng bagong pag-ibig. Eat, Pray, Love ang drama ni Bianca King at kagagaling nga lang niya sa US at Canada, binisita ang kanyang mga kamag-anak.

Nang matanong si Bianca kung kamusta na ang buhay-buhay ngayon. Sagot niya, “Masarap maging­ single at friendly sa ganitong edad kasi tapos na akong mag-aral, stable naman ang career ko.

 â€œParang ito ’yung tamang time sa buhay ko na puwede akong maging spoiled. Hindi ko naman talaga binibilang ’yung panahon, ’yung months o ’yung days (na single).

“Pero ibang klase lang ’yung pakiramdam ko ngayon kasi sa age ko, parang nasa prime na talaga eh.

“So, ini-enjoy ko lang lahat ng pinaghirapan ko sa almost ten years ko in showbiz. So, parang I’m just really at a good place right now,” pahayag ni Bianca.

 Kamusta naman sila ng kanyang ex-BF na si Dennis?

 â€œAno naman ako eh, free spirit naman ako. Hindi naman ako ’yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit,” sagot ng young actress.  Bianca na sinusulit niya ang panahong single siya.

Kung sakali na magmahal siyang muli, gusto ni Bianca na makilala muna niya nang husto ang lalaki.

“Basta, excited ako na ma-in love ulit!” dagdag pa niya.                                 

 

vuukle comment

ANO

BIANCA

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

INI

KAMUSTA

KAPUSO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with