^

Pang Movies

TV5 5 may pasabog!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Masaya ang salubong ng Kapatid Network sa buwan ng Marso. Kaabang-abang ang mga palabas na inihanda ng TV5 ngayong Sabado, Marso 2. 

Sa ika-7 ng gabi, sumama sa paglalakbay ng Pinoy Explorer paakyat ng Mt. Pulag, ang isa sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Kasama ng host na si Aga Muhlach ang Team Bombshells ng The Amazing Race Philippines na sina Dani at Mish.

Kakaibang gabi ng mga hayop ang hatid ng Hayop sa Galing sa ganap na ika-8 ng gabi. Makakasama ng host na si Joey de Leon sina Shalala at Arnell Ignacio. Sino kaya sa dalawang guests ang mas malakas tumili kapag nakaharap nila ang higanteng Arapaima na patalun-talon pa sa tubig? Mapapanood din sa programa ang nakaka-shock na nangyari sa binatang natusok sa bibig ng mala-espadang tuka ng 1000-pound black marlin pati ang maaksyong pagsagip sa isang asong nangangagat habang tinutulungan. Malalaman din ng mga manonood ang ugali ng mga bubuyog at ang nangyari sa babaeng matagal nang nag-aalaga sa kanila. Isa rin sa kapupulutan ng aral ang mga instinct at nature ng  mga higanteng grizzly bears kapag malapit na silang mag-hibernate. Ibabahagi din ni Joey ang angking galing niya sa pag-drawing ng comic strip.

Patuloy naman ang pagtatagisan ng galing ng mga finalist ng kauna-unahang singing reality search ng TV5, ang Kanta Pilipinas pagpatak ng 9:00 ng gabi.

Mapapanood ang pangalawang batch ng auditionees na nangangarap makapasok sa Top 12. Samantala, abangan kung sino sa batch nina Chadleen, Daniel at JB, Pia, Esther, Raz, Jacob, Allilson, Ferns, Greg, Jeniffer, Ricky at Rochelle ang makakatanggap ng basbas ng judges para makalusot sa susunod na stage ng competition. Samahan ang host na si Rico Blanco, pati na ang judges na sina Ms. Lani Misalucha at Mr. Ryan Cayabyab kasama ang guest judge na si Mr. Vehnee Saturno sa isa na namang makapigil-hiningang elimination night sa Sabado.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

AMAZING RACE PHILIPPINES

ARNELL IGNACIO

KANTA PILIPINAS

KAPATID NETWORK

MAPAPANOOD

MARSO

MR. RYAN CAYABYAB

MR. VEHNEE SATURNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with