^

Pang Movies

Mark enjoy sa pagiging sex symbol!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya naman pala biglang kumalat ang mga sexy photos ni Mark Bautista ay dahil isang sexy na musical stage production ang gagawin niya via The Full Monty.

Pinaganda ni Mark ang kanyang katawan para sa lead role na binigay sa kanya. Gaganap nga si Mark bilang si Jerry, isang out-of-work family man na desperadong makahanap ng trabaho para sa kanyang anak na baka mawala sa kanya dahil hindi niya matupad ang pagbigay ng child support dito.

Ang tanging paraan lang niya ay ang mag-perform kasama ang ilang mga out-of-work men sa isang male revue kung saan sasayaw sila ng sexy at maghuhubad sa harap ng female audience nila.

Base ang musical play na ito ng Viva Atlantis Productions sa 1997 British comedy na Full Monty na nakakuha ng ilang nominations sa Oscar Awards.

Mula ito sa direksiyon ni Chari Arepacochaga at makakasama rito ni Mark ay sila Arnell Ignacio, OJ Mariano, Jamie Wilson, Niño Alejandro, and Marco Sison.

Nasubukan na ni Mark ang lumabas sa isang stage production via Noli Me Tangere last year kaya interesado rin siya sa The Full Monty dahil iba naman daw ito.

 â€œSabi nila Boss Vic (del Rosario) na medyo sexy ito. I have to bare my body on stage, pero hindi naman totally hubo’t hubad ako. I said yes, because big challenge ito for me.

 â€œPlus I saw the movie noon at nakakatawa siya. ‘Yun ang gusto naming ilabas din sa local version nito on stage.

 â€œKaya I really worked out para may karapatan naman akong magpakita ng katawan. Marami akong isinakripisyo for this stage musical and I only pray that it will all be worth it.”

Kakatapos lang nga ni Mark sa afternoon drama series na Yesterday’s Bride kaya marami na siyang free time para mag-rehearse.

 â€œMaraming dance routines. Mga sexy lahat pero gagawin naming comedy. Sanay naman tayo sumayaw because sa Party Pilipinas, I just don’t sing, pinapasayaw din nila ako.”

Hindi ba siya natatakot na sex symbol na ang tingin sa kanya ng marami after The Full Monty?

 â€œSex symbol? Okey lang. Noon pa naman, ‘di ba?” sabay tawa ni Mark.

 â€œEver since I did ‘yung first sexy music video at ang pagrampa ko sa Cosmo Bachelors, gusto na nilang makita akong hubad. Kaya this is their chance,” pilyong sagot pa ni Mark.

 The plays runs at the RCBC Plaza Carlos Romulo Theatre in Makati from April 19 to May 5. For tickets, call Atlantis Productions at 892-7078 or Ticketworld at 891-9999.

Malungkot pareho sila Barbie Forteza at Derrick Monasterio dahil sa pagtatapos ng telefantasya nilang Paroa, ang Kuwento ni Marposa.

 Four months din daw silang nagsama sa show kaya mami-miss daw nila ang bawat isa. Mas naging close nga silang dalawa nang gawin nila ang Paroa kesa noong una silang nagtambal sa Luna Blanca.

“Nagkaiyakan na kami noong last taping day namin. Sabi ko naman kay Derrick na magkikita pa naman kami. Pero iba raw ‘yung samahan namin sa Paroa. Kaya sobra akong touched sa pinapakitang pagka-miss ni Derrick sa akin,” sey ni Barbie.

  Si Derrick naman ay hangad ang mas mabibigay pang roles after Paroa. Naging at home na raw siya sa paggawa ng mga drama scenes at gusto niya na mas mabibigat na roles pa ang ipagawa sa kanya.

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

ATLANTIS PRODUCTIONS

BARBIE FORTEZA

FULL MONTY

KAYA

MARK

NAMAN

PAROA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with