^

Pang Movies

Gloria, Nova, at Eddie pararangalan sa Golden Screen Awards…

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihahandog ng Entertainment Press Society, Inc. (EnPress) in cooperation with Heaven’s Best Entertainment, Mega C Health Ventures, Inc. and Shimmian Manila Surgicenter, at Sarangani Congressman Manny Pacquiao, ang 2012 Golden Screen TV Awards. Ito ay gaganapin ngayong Bi­yernes, March 1, sa Teatrino Greenhills, San Juan, Metro Manila. Magsisimula ang palabas sa ganap na ika-7:00 p.m. Kabilang sa segment hosts sina Julia Clarete, Kim Atienza, at Arnell Ignacio.

Bukod sa awards na ipamimigay in 51 categories, magbibigay din ang Entertainment Press Society’s Golden Screen TV Awards ng special lifetime achievement citations sa apat na personalidad sa telebisyon na tanyag sa kanilang respective fields.

Iginagawad ng Golden Screen TV Awards ang Helen Vela Lifetime Achievement Award for Drama to ageless movie queen Gloria Romero; the Helen Vela Lifetime Achievement Award for Comedy to veteran comedienne Nova Villa; and the Helen Vela Lifetime Achievement Award for News Broadcast to Mel Tiangco.

Isang bagong award na tinawag na Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining – in honor of the Comedy King Dolphy – ay ibibigay kay Eddie Garcia, ang actor-director who embodies the qualities of professionalism.

Ms. Romero started her career at the age of 19 in Sampaguita Pictures. Kabilang sa kanyang memorable movies ay Dalagang Ilocana at Tanging Yaman kung saan kapwa siya nagwagi ng best actress awards sa FAMAS. Mahigit 60 years na siya sa showbiz.

 Nagsimula ng kanyang career sa showbiz si Ms. Villa sa edad 16 pa lang. Ang batikang comedienne na si Chichay ang tumulong sa kanya para mag-artista. Naging signature star siya sa FPJ Productions.

Kahit maraming tropeo ang naiuwi sa paglabas sa comedy shows, ikinagalak ni Ms. Villa na siya ay nabigyan ng chance na magdrama.

 Nagsimula si Ms. Tiangco o Tita Mel ng kanyang career bilang broadcaster sa RPN 9’s NewsWatch. Naging host din siya ng Helpline para rin sa Channel 9. Taong 1983 nang mag-join siya sa City2 Balita ng BBC (Bohol Broadcasting Company). She joined ABS-CBN in 1986 kung saan naging newscaster siya ng Balita Ngayon. A year later, isa siya sa mga naging anchor ng TV Patrol. At 1995 nang lumipat si Tita Mel sa GMA 7. Co-anchor siya ngayon sa evening newscast 24 Oras with Mike Enriquez. 

Si Mr. Garcia ang isa sa mabibilang na lang na durable actor-director pero wala pa ring pagbabago sa propesiyonalismo, maagang dumarating sa set at memoryado na ang mga linya. Dala-dala rin niya ang sariling wardrobe at walang alalay.

Movie star na si Tito Eddie nung 1946 sa costume movie na Siete Infantes de Lara. Nasa 67 years na ang kanyang career at tambak na ng acting awards. At siya lang sa Pilipinas ang Hall of Fame inductee ng FAMAS in three categories: Best Actor, Best Supporting Actor, and Best Director. 

 

 

ARNELL IGNACIO

BALITA NGAYON

BEST ACTOR

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

GOLDEN SCREEN

HELEN VELA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

MS. VILLA

SIYA

TITA MEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with