^

Pang Movies

Young actor na babaero malalaki na ang paa, may nunal pa ang sandata

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Heto na naman ang nasagap namin. Ito palang poging young actor ay ma-chicks at mayroon daw big asset — malalaki ang paa at may nunal sa dulo ng kanyang “pang-hambalos.” Tatlo na sa showbiz ang ganitong lalaki na may nunal.

Itong sinasabi namin na young actor ay hindi lang nunal sa dulo ang meron kundi malaki nga ang mga paa. Totoo kaya ’yun na ’pag malaki ang mga paa ay malaki  rin ’yun? 

Napatingin tuloy ako sa paa ng isang sikat na TV actor na umarangkada sa indie films. Parang maliit…

Nadine may mga kahati sa atensiyon ni Derek

Walang dyowa si Nadine Samonte mula nang mag-break sila ng dating boyfriend niya. Idinenay na niya na nanliligaw sa kanya si Derek Ramsay. If ever at ligawan siya ng hunk actor, bago niya ito sagutin, pag-aaralan muna niya kung seryoso ito, kung walang masasaktan at matatapakan kasi ayaw kasi niya ng panandaliang relasyon.

Eh hindi lang naman kasi si Nadine ang “babae” sa buhay ni Derek sa kanyang TV5 series na Kidlat. Kasama pa rin ang Pinay-German na si Valerie Weighmann at sina Shaira Mae dela Cruz, Kathleen Hermosa, at Ritz Azul.

How true na hindi lang si Nadine ang nabalita noon na type ng bida? Crush daw kasi ni Derek si Ritz at niregaluhan daw ng chocolate na mamahalin at laging pinadadalhan ng basket of fruits. So, sino kaya sa mga babaeng nabanggit ang makakatuluyan ni Derek, kung hindi man sa serye ay sa totoong buhay?

Star Awards for Movies malapit na

Sa March 10 ng 6:00 p.m. na ang 29th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Directed by Al Quinn ito at produced ng Airtime Marketing, Inc. nina Jun Howard at Tessie Celestino.

vuukle comment

AIRTIME MARKETING

AL QUINN

CAMP AGUINALDO

DEREK

DEREK RAMSAY

JUN HOWARD

KATHLEEN HERMOSA

NADINE

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with