Phillip never umastang magaling pero Direk Gina nantantiya pa
Inamin ni Direk Gina Alajar na kinabahan siya nang idirek niya si Phillip Salvador for the very first time sa teleserye na Unforgettable.
Matagal na silang magkakilala dahil pareho silang hinawakan at hinubog ng direktor na si Lino Brocka. Ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila kaya hindi na sila naninibago.
Pero careful pa rin si Direk Gina dahil ayaw niyang i-assume na kaagad niya makukuha ang tiwala ni Kuya Ipe porke’t siya ang director ng project.
“Malaki ang respeto ko kay Kuya Ipe. Kaya medyo tinatantiya ko pa rin siya kasi first time ko siyang ididirek. Matagal din kasi kaming hindi nagkasama sa isang project bilang mga artista. Ngayon lang ulit tapos ako pa ang direktor niya. So I don’t want to cross any lines na baka hindi niya magustuhan.
“Pero in fairness kay Kuya Ipe, he’s very open sa mga pinapagawa namin sa kanya in regards to his role. At natuwa naman ako dahil nakikinig siya sa akin. Kung ano ang gusto ko ay gagawin niya.
“It makes my job a lot easier and fulfilling dahil isang Phillip Salvador ang dinidirek natin. What’s good about Kuya Ipe, even noon pa, he never makes you feel intimidated. Hindi siya ‘yung tipo ng artista na laging ipapaalala sa ‘yo na mahusay siyang artista at marami na siyang awards. Hindi siya gano’n.
“In fact mapagbigay si Kuya Ipe. He likes to share whatever he learned from being an actor sa haba ng panahon. Kaya ‘yung ginagawa niya na mag-mentor sa lahat ng Protégé contestants last year, siyang-siya iyon. He likes to help ang mga baguhan talaga,†mahabang pahayag ng actress-director.
Marc kinilig at na-starstruck kay Cesar
Nagpapaka-busy ngayon si Marc Abaya para makabawi siya sa ilang buwan niyang pagpahinga noong sumakabilang-buhay ang kanyang inang si Direk Marilou Diaz-Abaya noong Oct. 8, 2012.
Bumalik na nga siya sa pag-arte via the afternoon teleserye na Forever sa GMA 7 at sa pag-shoot ng pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story na ang bida at direktor ay si Cesar Montano.
Ginagampanan ni Marc ang role na Charlie Zaragoza, isang gang leader na matinding nakalaban ni Alfredo Lim noong nasa police force pa ito.
Ngayon lang nakatrabaho ni Marc si Cesar bilang aktor at direktor. Naging malapit si Buboy sa kanyang inang direktora kaya sobra ang pasasalamat niya nang makasama na niya ito sa pelikula.
“Hindi naman siguro masamang sabihin na kinilig ako kay Cesar Montano!†sabay tawa ni Marc.
“Ibang klase siyang tao. Now I see why my mom is fascinated by his talent as an actor. Na-experience ko na iyon while working with him both as director and actor. Sobra akong na-starstruck sa kanya.â€
Tinulungan daw siya ni Cesar na mabuo ang character niyang kontrabida habang nasa set sila. At susunod daw na babalikan ni Marc ay ang kanyang banda na Kjwan. Matagal din siyang nagbakasyon sa pagpe-perform pero hinahanda na niya ang kanyang sarili na magbanda ulit.
- Latest