Pope Benedict magsisilbing consultant sa bagong Santo Papa, tatanggap ng pension ng P200K kada buwan
Highly intellectual si Pope Benedict XVI kaya tinawag na A Papacy of Reason ang kanyang paÂmuÂmuno sa Simbahang Katoliko ng EWTN (Eternal Word Television Network o Catholic Global Channel).
Effective Feb. 28 na ang kanyang resignation kaya’t pipiling muli ang Vatican ng bagong Santo Papa. Kahit wala na tungkulin, doon pa rin titira sa isang monasterio sa loob ng independent city-state ang nagbitiw na Pontiff.
Habang buhay naman siyang tatanggap ng monthly pension na 2,500 Euros o approximately P200,000! At hindi naman niya ito magagasta dahil libreng lahat ang kanyang pagkain at iba pang pangangailangan sa loob ng kanyang appointed home.
Meron pa siyang apat na babaeng maglilingkod, para sa iba’t ibang gawain tulad ng pagluluto, pagliliÂnis, at paglalaba. Sagot din ng Vatican ang mga suÂweldo nila!
Malawak ang kaalaman ni Pope Benedict XVI sa relihiyon at pananampalataya. Isa siyang Doctor of the Church kaya’t puwede siyang maging consulÂtant ng magiging bagong Pope.
Pinoy produ nagpagawa lang ng trophy sa Europa at kunwaring nanalo sa inimbentong int’l filmfest
Ginagalugad ng mga Pinoy producer ang mga sulok ng daigdig upang lumahok sa iba’t ibang festival. Masabi lang international kahit never heard at wala naman kilalang filmmakers ang sumasali, pinapasok pa rin nila.
Masabi lang international, kahit pipitsuging filmfest pinagtitiyagaan. Makikita na lang sa kanilang social media na nagwagi sila ng awards. Say ng isang inggiÂterang bading, meron siyang kilala na nagpagawa pa ng trophy sa Europa masabi lang na winner siya. Hanapin mo naman kahit saang website ang sinabing festival ay imposibleng makita!
Kaya naman ang mga nagbibigay ng mga incentive sa aÂting government, para sa mga international filmfest winner, may sariling listahan ng accredited prestiÂgious filmfest. Kung wala sa list ang sinalihan, kahit sabihin pang grand prize, walang cash incentive! Plain congratulations lang!
Hindi man lang hinimas Callboy tumanggap ng P3K sa gay actor sa pagpo-pose lang ng hubad sa kuwarto!
Isang poging gay actor ang naka-pick up ng handsome guy sa isang mall/park sa Makati City. Sandali lang naman siyang na-take home ng bading sa kanyang bachelor’s pad.
Sa bedroom, pinaghubad agad siya, pinahiga, pinatayo, at iba’t ibang pose pa. Taga-Tanauan lang ang acheng. Hindi man lang hinipo ang menchu. Nariyan na siya sa patingin-tingin at nakaraos!
After that, pack-up bigla ang guy at binigyan ng P3,000! Say nga ng callboy, kung minsan madaling kumita ng pera!
Banda ng British-Pinay suki sa World Youth Day
Ang British-Pinay singer na si Cherrie Anderson with her band Ooberfuse ang isa sa mga performer sa World Youth Day in Rio de Janeiro, Brazil in June.
Si Pope Benedict sana ang dadalo roon gaya ng kagawian ng mga Papa tuwing World Youth Day tulad nang ginawa ito sa Maynila at dumalo si Pope John Paul II. Nag-resign na siya, kaya’t ang bagong halal na Papa ang makakarinig kina Cherrie sa Brazil.
Nagwagi na pala ang kanta ni Cherrie na Faith in You sa isang song contest sa nakaraang World Youth Day, ilang taon na ang nakaraan. Ang kanyang banda ang kumanta ng theme song sa pagbisita ni Pope Benedict XVI sa UK noong 2010.
- Latest