Kabaliwan ng mag-amang Edu at Luis, lumabas na naman!
MANILA, Philippines - Lumabas ang kabaliwan ng mag-ama na Edu at Luis Manzano sa bago nilang TV commercial ng isang noodle. Mag-ama talaga sa kalokohan ang dalawa sa iba’t ibang costumes/get ups ng dalawang habang nag-aagawan sa noodles.
In fact, nag-post pa si Luis ng pic ng naka-costume sila ni Doods sa Face Book account niyang Suwerte Manzano. May caption ito na: Stepping into the wild side with my dad!!!â€
Previous to that post, ipinoste din ni Luis ang certificate na natanggap niya mula sa Entertainment Press Society para sa nominasyon niya bilang outstanding male host para sa Pilipinas Got TaÂlent program niya. Sa March 1 ang Golden Screen Awards for TV.
Naku, dahil sa angking kabaliwan ng mag-amang Edu at Luis, swak na swak sa kanila ang isang programang magkasama sila, huh!
AiAi isinisingit lang ang movie nila ni Marian
Iniwan muna ni AiAi delas Alas ang boyfriend na si Jed Salang sa biyahe nito sa Los Angeles, CaÂlifornia upang bisitahin ang anak na si Niki. Naka-post sa Instagram account ng komedyana ang kuha nilang mag-ina minus Jed.
Documented nga ang biyahe ni AiAi na sa seÂcond day niya roon ay pumasyal agad sa Walmart. ’Yun nga lang walang kasamang Miguel Vera sa pics niya na father ni Niki, huh!
Kailangang bumalik agad ng bansa si AiAi para sa trabaho niya bilang isa sa judges ng Pilipinas Got Talent. In between ay isisiÂngit ng komedyana ang shooting ng movie nila ni Marian Rivera na Kung Fu Divas na kahit sa October pa ang showing, umaani na ng positibong komento ang teaser nito.
Balikbayang singer pinaghahampas ng baril ng mga magnanakaw, apat na oras bago nasaklolohan
Kawawa naman ang singer ng Viva Records na ninakawan na, pinaghahampas pa ng baril ng mga kawatan! Napakinggan nga namin ang hinaing ni Joseph Manalo (kung tama ang tanda namin) na isa palang balikbayan.
Inabot ng apat na oras bago siya nasaklolohan ng pulis ng Mandaluyong City. Dahil sa nangyari sa kanya, nagdadalawang-isip siya kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang career sa bansa.
Naku naman, kung kelan may gun ban kaugnay ng May elections, saka pa dumarami ang krimeng nangyayari sa bansa.
- Latest