^

Pang Movies

Kylie may pinagdaraanan sa relasyon nila ni Aljur

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tila may pinagdaraanan ang personal na buhay ni Kylie Padilla dahil emosyonal ang kanyang mga tweet.

May mga hinala na may kinalaman sa relasyon nila ni Aljur Abrenica ang mga post ni Kylie.

Ngayong gabi ang presscon ng Unforgettable, ang bagong afternoon drama show ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Kylie at magsisimula sa darating na Lunes. Tiyak na kukulitin si Kylie ng mga reporter na interesadong malaman ang pinanggagalingan ng kanyang mga emote.

Si Mark Herras ang leading man ng teen actress sa Unforgettable. Starring din si Phillip Salvador at marami pang iba.

Ara hindi pa tapos ang kalbaryo kay Cristine

May pinagdaraanan din si Ara Mina na may emote naman sa Twitter na “Lord bless them ang daming masasamang tao sa mundo nga­yon kahit kadugo mo. Nakakalungkot grabe.”

Obvious na patungkol sa kamag-anak ang tweet ni Ara at siyempre ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes ang unang pumasok sa isip ng mga nakabasa sa emote niya.

Malalim na ang hidwaan ng magkapatid dahil humantong pa ito sa korte. Panahon na lang ang makakapagsabi kung magkakabati pa sina Ara at Cristine.

Away sa mga kapatid ni Francine mahirap pakialaman

Kapuso month ngayon dahil buwan ng Pebrero ang Valentine’s Day pero usung-uso ang hidwaan ng lovers at magkakapatid.

Mahaba ang litanya ni Francine Prieto laban sa kanyang mga kapatid pero hindi na ito bago dahil nag-away na sila noon pero nagkabati rin.

Sa totoo lang, mahirap makialam sa away ng mga magkakapatid at mag-asawa dahil sa bandang huli ay nagkakasundo rin sila.

Lito Atienza hindi na puwedeng umapir sa TV show

Hindi ko pa alam kung sino ang papalit bilang host ng Maynila, ang morning drama show ng GMA 7 dahil hindi pa kami nagkakausap ni Papa Lito Atienza.

Si Papa Lito ang standard bearer o first nominee ng Buhay Party List kaya hindi na siya puwedeng umapir sa TV hanggang hindi nagaganap ang eleksiyon sa May 2013.

Inimbitahan si Papa Lito na maging member ng Buhay Party List dahil Pro-Life siya at sa kanyang malakas na oposisyon laban sa Reproductive Health Bill.

                               

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARA MINA

BUHAY PARTY LIST

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAHIL

FRANCINE PRIETO

PAPA LITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with