^

Pang Movies

Sarah hindi nag-iisa mga ‘nanakit’ nauna nang pinagkakitaan ni Taylor Swift

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Pabiro na may halong katotohanan ang sinabi ni Sarah Geronimo na pinagkakitaan niya ang mga nanakit sa kanya. Sadya man o hindi, alam na ng lahat na ang tinutukoy ng singer-actress ay ang mga lalaking na-link sa kanya.

Pero hindi nag-iisa si Sarah sa sentimen­yento niya. Nauna na sa kanya si Taylor Swift na kumita ng ilang milyong dolyar sa mga kantang may patama sa mga ex-boyfriend. Hindi lang basta kumita ang American pop singer na mas bata pa kay Sarah kundi nagka-award din sa mga kantang siya mismo ang sumulat.

Kung gugustuhin lang ng Pop Princess ay puwede rin siyang gumawa ng bagong album na may lamang kanta tungkol sa mga nakasakit sa puso niya. Tiyak na mararamdaman ng makakarinig ang hinaing niya dahil dun na niya maibubuhos ang totoong emosyon niya.

At tulad kay Taylor na walang direktang sinasabi kung para kanino ang kanta niya, magpapahulaan na lang din sa patatamaan ni Sarah. Mas madali nga lang mahuhulaan ang kay Sarah dahil iilan lang ang na-link sa kanya kumpara kay Taylor na kada taon ay may bagong boyfriend.

 

NAUNA

NIYA

PABIRO

PERO

POP PRINCESS

SARAH GERONIMO

TAYLOR

TAYLOR SWIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with