^

Pang Movies

AiAi ina-asthma kung kalian may concert sila ni Psy!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Magpapaka-epal ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas para makapagpa-picture at makahingi ng autograph ni Korean pop superstar na si PSY kapag magkasama na silang mag-perform sa SM Mall of Asia Arena sa Saturday, February 16 sa PSY Live in Manila at 8pm. Aware si Ai Ai, kung gaano kahigpit ang mga managers ng Korean stars na talagang magpi-perform lamang ang mga artista nila pagdating dito, unless stipulated sa contract nila kung may presscon or meet the press. In fact, during the presscon, wala pang maibigay na assurance si Joed Serrano kung darating nang mas maaga si PSY na sabi’y may 30 ang entourage, pero sigurado raw na darating ito on the day itself ng concert. Very busy raw ang Korean pop star sa concert in different parts of the world.

Excited naman si Ai Ai dahil nami-miss na niyang mag-concert, December, 2009 pa ang last concert niya. Humihingi lamang ng prayers si Ai Ai na mawala ang kanyang cough na parang asthma na. Biniro nga raw siya na sa simula pa lamang ng concert mag-sorry na siya sa audience. Ayaw daw niya kasi hindi na iyon original, kay Regine (Velasquez) na lamang iyon. Paano raw kung hindi dumating si PSY, kakayanin ba niya iyon? Wala raw problema dahil bukod sa kakayanin niya, maasahan ang dalawa pa niyang kasama sa concert, sina Jose Manalo at Wally Bayola. In fact kapag nag-perform na si PSY na kakanta raw ng 10 to 12 songs, sasama lamang siya kapag kinanta na nito ang phenomenon song nitong GangNam Style dahil siya raw iyong sexy lady na tinutukoy sa song. May green jokes pa rin si Ai Ai pero disimulado dahil tiyak na may mga bata sa audience. Dubbed din ang concert na Tanging Family Valentine Show.

Medyo mahal ang tickets na P 8,980; P 4,760; P 3,700; P 1,590, at P 530.

 

vuukle comment

AI AI

COMEDY CONCERT QUEEN

CONCERT

JOED SERRANO

JOSE MANALO

MALL OF ASIA ARENA

RAW

TANGING FAMILY VALENTINE SHOW

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with