^

Pang Movies

Sarah emosyonal nang magpaalam sa kanyang programa!

- Vivia Vivar - Pang-masa

Naging emosyonal si Sarah Geronimo habang nagpapaalam sa kanyang mga viewer last Sunday sa finale episode ng kanyang show na Sarah G. Live.

Ayon sa Pop Princess, marami siyang natutunan sa show na ito at ito ang maiko-consider niyang greatest blessing sa kanyang buhay.

“Kung hindi dahil sa show na ito, hindi ko mae-experience ang maraming firsts sa buhay ko, wala akong chance na mas mapalapit at mas makilala pa lalo ang supporters ko, hindi ko malalaman na marami pa pala akong kayang gawin.

“Higit sa lahat, kung hindi dahil sa Sarah G. Live sa suporta at pagmamahal na ipinakita ninyo, hindi ko makakayang bumangon mula sa pagkakadapa ko,” sabi ni Sarah.

Halos isang taon ding umere ang Sarah G. Live at aniya sa loob ng isang taong ito ay marami ring naging pagbabago sa buhay niya na nai-share niya rin sa show.

“Sa bawat ikot, bawat taas at baba, nakita n’yo ang pagbabago sa career ko, sa personal kong buhay at sa aking love life. Ang mahalaga naman, marami akong natutunan sa experiences na iyon. This entire experience and blessing has definitely made me stronger, braver, and wiser,” pahayag ng singer-actress.

Habang kinakanta ni Sarah ang kantang Breakaway ay hindi na niya mapigilang umiyak. Very touching din ang kanyang farewell song na Forever’s Not Enough kung saan ay naglapitan ang mga fan and co-host niya para bigyan siya ng flowers.

Direk Kaka Balagtas nagbabalik, gagawan ng pelikula ang Van Damme of the Philippines

Nagbabalik ang direktor na si Kaka Balagtas at sasabak na rin siya sa digi­tal movie.

May bago siyang ibi-build up na action star na nagngangalang Jim Ramon na laking Norway at balak niyang i-groom as Jean-Claude Van Damme of the Philippines.

Kung titingnan ang built ni Jim Ramon, action star na action star nga ang dating at talagang maskuladung-maskulado.

Nagkilala sila ni Direk Kaka nung May last year. Kararating lang niya sa ’Pinas pero mula Grade 6 hanggang fourth year high school ay dito siya nag-aral kaya nakakapag-Tagalog si Jim.

Surprisingly, kilala niya si Rafael Rosell na isang Norwegian din.

Bata pa lang ay pangarap na ni Jim mag-artista. Gusto raw niyang maka-partner si Cristine Reyes.

“Maganda at sexy eh,” say ni Jim.

Ayon naman kay Direk Kaka, posibleng kunin niya si Cristine na leading lady dahil naging artista na rin naman niya ito noon sa Apoy sa Dibdib ng Samar na kung saan ay itinambal niya kay Mark Lapid.

Ang huling pelikula na ginawa ni Direk Kaka ay Anak ng Kumander ni Manny Pacquiao na naging entry sa Metro Manila Film Festival noong 2007.

 

AYON

CRISTINE REYES

DIREK KAKA

DIREK KAKA BALAGTAS

JEAN-CLAUDE VAN DAMME OF THE PHILIPPINES

JIM RAMON

KAKA BALAGTAS

NIYA

SARAH G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with