^

Pang Movies

Dingdong walang alam sa ipinangako sa ibang network

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Seryoso ang eksenang isu-shoot ni Dingdong Dantes with Lorna Tolentino and Christopher de Leon sa Pahiram ng Sandali pero nakitsika pa rin siya sa mga entertainment press na nasa set, habang kumakain siya ng champorado at pritong dilis. 

Hindi ba siya naninibago sa napakadramang mga eksena nila na kahit siya ay makikitang umiiyak? 

Iba nga raw ang kanilang primetime soap dahil sa tema nito. So far, ito na raw ang pinakamadramang project na nagawa niya sa GMA under Maryo J. delos Reyes. At marami pang mga mas madadramang mangyayari sa mga susunod na gabi hanggang sa pagtatapos nito sa March 15.

Nabanggit niya ang GMA, muli ay natanong si Dingdong kung alam niyang may nag-promise sa isang TV network na kaya siyang ilipat sa kanila from GMA? Wala raw siyang alam, wala ring nababanggit ang kanyang manager. Pero siya, happy siya sa GMA at hindi nga niya iniisip na magtatapos na ang contract niya middle of 2013. 

Wala rin siyang mairereklamo sa GMA dahil nasusunod kung ano ang pinirmahan niyang contract sa kanila. Kahit pumirma siya ng non-exclusive two-picture contract sa Viva Films, wala rin siyang problema dahil hindi naman siya exclusive contract star ng GMA Films.

Fans ni Sarah hindi tapos ang emote

Kahit kami ay nakatanggap ng emote ng mga fans ni Sarah Geronimo nang malaman nilang last episode na ng Sarah G Live! sa Sunday, February 10. Pero natuwa sila nang malamang papalitan naman ito ng isang drama anthology, pero magiging mentor muna ang Pop Superstar sa reality singing search na The Voice PHL. At ihanda nila ang pagpanood ng It Takes a Man and a Woman nila ni John Lloyd Cruz sa March 30.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

IT TAKES

JOHN LLOYD CRUZ

KAHIT

LORNA TOLENTINO AND CHRISTOPHER

MARYO J

PERO

POP SUPERSTAR

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with