^

Pang Movies

Sarah paaartehin na lang, ipa-pattern kay Nora!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lungkot na lungkot ang fans ni Sarah Geronimo sa pagbababu sa ere ng programa ng kanilang idolo na Sarah G. Live na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN. Emote nila, bakit daw tatapusin na ang programa samantalang mataas naman ang rating nito, mas mataas pa sa Gandang Gabi Vice.

Pero nauna nang ipinaliwanag ni Mr. Vic del Rosario na ayaw na nilang sagarin si Sarah sa musical variety show dahil baka magsawa na ang tao. “Mas ok na habang mataas ang rating niya, iba naman ang gawin niya,” sabi nito sa isang interview na naunang lumabas sa Pilipino Star NGAYON.

Papalitan ng drama anthology ang mawawala nitong prog­rama.

Nasa plano naman daw talaga ito dahil ngayong taon gusto nilang sa pag-arte naman mag-concentrate ang Pop Princess.

“Mas kailangan niyang umarte, kailangang makilala rin siyang aktres. Ganyan din si Nora Aunor noon, kailangan niyang umarte kahit magaling siyang singer,” sabi pa ni Boss Vic.

“Baka makalimutan na ng tao na artista rin siya,” sabi pa ni Mr. Vic.

Bukod sa drama anthology, sasabak din bilang mentor sa The Voice PH si Sarah.

Balitang makakasama ni Sarah bilang mentor si Ely Buendia at isa pa na hindi pa sure kung si Zsa Zsa Padilla.

Anyway, narito naman ang statement ng ABS-CBN tungkol sa pag-exit ng Sarah G. Live :

“SARAH G Live ends on top of its game with its last episode airing on Sunday, 10 February 2013. After a year of bringing world-class performances to Filipino viewers here in the country and in TFC markets around the world, Sarah Geronimo moves on to fulfill other commitments. The Popstar, who recently renewed her contract with the Kapamilya network, will sit as one of the judges of The Voice of the Philippines, and will soon have her own drama anthology. Sarah is also busy filming her upcoming Star Cinema movie with John Lloyd Cruz, and is set to go on a Sarah G concert worldwide.”

Si Mr. Bong R. Osorio, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communications ang naglabas ng statement.

Umaarte lang? Mariel selos na selos sa halikan at lambingan nina Kris at Robin!

Umaarte lang ba si Mariel Rodriguez kaya siya nagre-react siya sa mga kissing scenes and intimate scenes nina Kris Aquino at ‘asawa’ niyang si Robin Padilla? Kahapon ay kung anik-anik ang inaupload niya sa Instagram.

“Of course I got jealous when they hug you, because in that moment, they have my whole world in their arms” at  “No it’s not ok.”

Pero ina-upload din naman niya sa kanyang instagram ang mga photos ng dalawa para tulungang mag-promote ng programa? So nakakaduda ang intention niya.

Baka eklay lang para sa promo?

Arte-arte. Or baka naman nagpapapansin lang si Mariel?

Habang si Kris dedma sa kanyang Twitter account.  Di siya nagre-react sa pinagsasabi ng ‘misis’ ni Robin.   

BOSS VIC

ELY BUENDIA

G LIVE

GANDANG GABI VICE

INTEGRATED CORPORATE COMMUNICATIONS

MR. VIC

SARAH

SARAH G

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with