^

Pang Movies

Madaling makakabayad sa utang sa Spain kung… Tina Paner gagamitin pati ang anak sa mga raket

MASA..RAP - Ernie Pecho -

Malaki ang maitutulong ng maganda at simpatikang daughter ni Kristina Paner upang madali niyang mabayaran ang mga atraso sa Spain. Puwedeng artista ang nine-year-old girl at tiyak na mada­ling maisali sa mga teledrama.

Marami namang teleserye na sinisimulan this 2013 kaya’t pati si Tina ay puwedeng tumanggap ng maraming TV assignments.  Kung isang milyong piso lang ang halaga ng 20 airline tickets, agad nilang maiipon ang nasabing halaga.

Kung kikilos naman ang kanyang Mama Daisy Romualdez, maaring ma-solve agad ang problema. Lapitan lang ni Daisy ang isang very rich friend ay maaari siyang pahiramin bigla ng malaking halaga.

Maaari naman niya itong bayaran kapag kumikita ang kanyang mga pino-produce na mga live concert. Matitigil na ang pangha-harass kay Tina na isang single working mom sa España.

Pag-urong ng teleserye ni Nora sa ubo lang nakaturo

Biglang binago ng TV5 ang date ng premiere telecast ng bago nilang primetime drama, Never Say Goodbye. Scheduled na sana ito on Jan. 28 pero baka sa first or second Monday pa ng February simulan ang pagpapalabas.

Wala namang ibang dahilan kung bakit na-reset ang initial telecast (peks man!) kundi ang pagkakasakit ni Nora Aunor sa Baguio. Matindi ang kanyang ubo (ayon sa ulat) at kailangan talagang ipa-ospital. Buti hindi nauwi sa pneumonia ang kanyang kondisyon!

Kahit kasi sobrang ginaw doon, magdamagan ang taping sa open air na taniman ng mga rosas, hindi halatang nanginginig na ang katawan ng Superstar sa sobrang ginaw at hamog na nasasagap ng mga artista dahil mahuhusay umarte sina Ate Guy, Alice Dixson, Cesar Montano, Vin Abrenica, at Sophie Albert.

Epy Quizon narrator na sa iniwang show ni Pidol

Pinalitan ng Istorific Pidol’s Kuwentong Fantastik ang dating Pidol’s Wonderland sa TV5. Sa bagong version ng award-wining children show ng Comedy King Dolphy, ang kanyang anak na si Epy Quizon ang bagong narrator.

Mayaman ang Pinoy folklore kaya’t maraming paghuhugutan ng magagandang teleplay na pang-tsikiting. Maisulat lang sana ng maganda ang mga script, gastahan sa special effects, at madirek ng mahusay, tiyak na magiging early evening Sunday viewing habit ang Istorific Pidol’s Mga Kuwentong Fantastik.

Willie sinagot na ang pagpapalaki ng boobs ng choreographer, pati flower gusto pang ipagawa!

 Ipinagtapat ni Willie Revillame na siya nga ang gumastos sa enhancement ng boobs ni Anna Feliciano.

Ang bagong hiling ngayon ng choreographer sa kanyang boss, tustusan naman ang pagpapasikip ng kanyang P. (pinto ng ligaya). Medyo nag-isip ang TV host kung ibibigay ang wish ng nagbagong-anyong TV personality.

Matagal na kasing hiwalay sa kanyang mister na si Mel Feliciano si Anna kaya may balak na magkaroon uli ng partner sa buhay. Siyempre kung siya ay magpapakasal muli (kung sakaling annulled na ang kasal niya kay Mel), gusto ng nagmumurang kamyas na complete package na ang kanyang new image!

Aktor na palabas ay walang bisyo, chain smoker pala!

Simula nang ma-cover sa isang fitness magazine ang isang popular actor, gifted with a sexy, well-trimmed body, naging modelo na siya ng clean-living. Pinangatawanan niya wala siyang bisyo at kumakain ng mga tama at masustansiyang pagkain para manatiling malusog.

Mukhang nakalimutan ng aktor ang lahat ng pagmamalinis, dahil kitang-kita ang kanyang pagiging chain smoker sa backstage. Kung saan ginanap ang isang big event!

Baka naman na-tense lang kaya naging pugon sandali!

Anak ni Piolo habulin ng mga agresibong babae

Ngayon pa lang sinasabing habulin ng mga chick ang teenager na anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Kahit pala sa isang christian school nag-aaral ang bagets, ang mga chiching pa ang nagpapakita ng motibo sa kanya.

Pinagmamalaki ng tatay na si Iñigo na mismo ang umiiwas kapag napapaligiran siya ng mga sobrang agresibong kaklase!

Sana nga para hindi siya maging batang ama at matupad pa ang kanyang ambisyon na mag-artista sa Pilipinas kapag nakatapos ng pag-aaral doon sa States.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANNA FELICIANO

ATE GUY

EPY QUIZON

ISTORIFIC PIDOL

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with