^

Pang Movies

Marian enjoy na enjoy maglandi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa pagdalaw namin sa set ng Temptation of Wife unang naitanong kay Marian Rivera kung ano ang feeling niya na katapat na ng drama series nila ng boyfriend na si Dingdong Dantes (Pahiram ng Sandali) ang teleserye ng friend nilang si Kris Aquino, ang Kailangan Ko’y Ikaw.

“Ganyan talaga. Wala naman kaming magaga­wa,” nakangiting sagot ni Marian. “Hindi ko naman puwedeng sabihin na alisin po ninyo ang show namin dahil katapat ang show ng friend namin. Bilang mga artista kami, ginagawa lamang namin kung ano ang trabaho namin. As to the timeslot, wala na kaming kinalaman doon. Hindi pa kami nagkakausap ni Ate Kris, pare-pareho kaming busy.”

Hindi naiwasang tanungin si Marian kung ang pag­payag ba niyang mag-pose sa cover ng FHM ay may kinalaman sa role niya bilang si Chantal sa Temp­tation of Wife na masyadong naging outgoing, to the point na may tumatawag na sa kanyang malandi?

“Nakakatuwa kasi ang feedback sa production. Natutuwa sila kay Chantal at inspirasyon daw sa kanila, lalo na iyong mga babaeng inaapi at iniiwanan ng mga asawa para sa ibang babae, na puwede pala silang lumaban. Iyong pagiging malandi ni Chantal, sa soap opera lang, hindi sa tunay na buhay. Kung sa panonood ninyo ay nadala kayo, ibig sabihin, effective ang performance ni Chantal. Saka hindi naman madali ang from Angeline na mabait, api-apihan, ay magiging si Chantal ako. Kailangang pag-aralan ko talaga iyon. May proseso akong pagdaraanan. Siguro, sabihin na lamang nating ini-enjoy ko rin ang character ni Chantal,” pahayag ni Marian.

Paano ang fans na nagagalit din dahil sa pakiki­pag­halikan niya nang matindi raw kay Dennis Trillo as her husband Marcel sa soap? At tiyak, mara­ming nag-react sa kanilang bed scene ni Dennis na ipi­nakita kagabi.

“Paulit-ulit na sinasabi ng mga artistang tulad na­­min na you cannot please everybody. Ginagawa la­­­mang namin kung ano ang role na ibinibigay sa amin, kung ano ang inuutos ng director, susundin namin iyon. Kung may nagri-react, kung may na­­ga­­­galit, kung may natutuwa, tatanggapin na lamang namin dahil public property kami,” sagot ng Kapuso actress.

Naitanong din kay Marian kung ano ang comment ni Dingdong Dantes sa pictorials niya sa FHM. Wala bang tinutulan ang boyfriend sa mga picture na lumabas?

“Wala kasi bago pa lumabas ang magazine ini-email ko nang lahat sa kanya ang pictures,” sagot ni Marian. “Sabi lang niya, ‘I know you’re sexy since day one.’”

Ibinalita rin ni Marian na marami pa silang shooting days na gagawin ni Richard Gutierrez sa romantic comedy movie nilang My Lady Boss na co-production venture ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films at dinidirek ni Jade Castro.

vuukle comment

ATE KRIS

CHANTAL

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

KUNG

NAMIN

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with