Richard at Sarah dinadaan sa Facetime ang ‘tsugihan’?
Hindi mukhang preggy si Sarah Lahbati sa mga picture na nakita ko kaya may dahilan si Richard Gutierrez na pabulaanan ang malisyosong balita tungkol sa kanyang girlfriend.
Kahapon ang birthday ni Richard at siguradong binati siya ni Sarah ng happy birthday. Naalaala ko tuÂloy ang malakas na halakhak ni Richard nang magÂkita kami sa RYU Ramen House.
Tinanong ko kay Richard kung puwede ba na magkaÂtsuÂgihan ang dalawang tao sa Facetime. Tumawa lang siya nang malakas!
May basehan naman ang question ko dahil mismong si Richard ang nagsabi na nag-uusap sila ni Sarah sa Facetime. Nagtanong lang ako para ma-satisfy ang curiosity ko.
Hindi lamang ang Facetime ang ginagamit nina Richard at Sarah para makapag-usap sila. May biÂnanggit pa si Richard na Tango, Skype, at kung anik-anik pa na hindi ko maintindihan dahil hindi naman ako techie. Hanggang sa pagbabasa lang ng mga text message at pagsagot ng cell phone ang taÂlent ko.
Ricky Lo hindi apektado sa mga nega!
“No comment†si Papa Ricky Lo sa lumang viÂdeo ng interbyu niya kay Anne Hathaway.
Luma dahil matagal nang naipalabas sa Startalk ang interÂbyu pero nang ilagay ‘yon sa YouTube, saka nag-react ang mga nagmamagaling.
Lumabas noong Sabado ang isyu at araw ng Startalk ang Sabado. Tinanong ng aming staff si Papa Ricky kung gusto nito na magsalita para maging malinaw ang isyu pero tumanggi siya.
Bakit pa nga naman siya magsasalita eh malinaw na ebidensiya ang video na may kabastusan at antipatika si Anne HathÂaway?
‘Yun nga lang mas pinili ng mga Pinoy na alipustain si Papa Ricky, hindi ang masamang ugali na ipinakita ni Anne na kinamumuhian sa Hollywood dahil sa kanyang mga kaartehan at kadramahan.
Krista nagpapaka-misteryosa
Wala raw manager si Krista MilÂler, ang starlet na ugat ng misundersÂtanding ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.
Marami ang naghahanap kay Krista pero hindi ito sumasagot at mahirap mahagilap. Nagpapa-mysterious ang drama?
Dahil kontrobersiyal siya, dapat ihanÂda ni Krista ang sarili. Siguradong lalabas ang mga kuwento sa kanya, pangit at maganda, sa ayaw o gusto niya.
Pinupuna na nga ang pagbabago ng kanyang face ’no?! Ganyan ka-cruel ang publiko, lalo na sa mga babae na nali-link sa mga mhin na may pamilya na.
- Latest