^

Pang Movies

Carmina, frustrated singer

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Carmina Villaroel na nakakakanta naman siya pero gusto rin niyang maging singer. Say niya nga mismo, ‘‘Frustrated singer ako at ’di ko makamtan ang pangarap na ito.’’

Kung meron man siyang pangarap na gustong matupad sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aa­ral ang kanyang kambal.

‘‘Hindi kasi ako na­kata­pos ng college dahil sa pag-aartista kaya gusto ko namang makapagtapos ng kurso ang aking mga anak para maging matatag ang kanilang kinabukasan,’’ sabi pa ni Mina.

Sa kabilang banda, gusto rin ni Vina Mora­les na makapagtapos ng kolehiyo ang kanyang anak dahil hindi rin siya nakatungtong ng college.

Magkasama sila sa bagong drama series na May Isang Pangarap. At malaki ang potensiyal ng kasama nilang dalawang baguhang child wonder na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base. Sa rami ng nag-audition na mga bata ay napabilang agad ang dalawa sa Top 5 hanggang mapili na nga ni Direk Jerry Sineneng.

Teen Gen Stars maaasahan na

Magagaling din ang mga baguhang artistang teenager lahat na napapanood linggu-linggo sa Teen Gen. ’Kaaliw ang nakaraang episode na ipinakita ang mga normal na nangyayari sa buhay ng mga teener gaya ng mga napipisil na date sa JS Prom.

Nakikigulo rin sa mga kabataan sina Angelu de Leon at Bobby Andre Andrews sa karakter na Wacks at Peachy kung saan lagi silang maaasahan sa pagtulong sa mga kasamang bagets.

vuukle comment

BOBBY ANDRE ANDREWS

CARMINA VILLAROEL

DIREK JERRY SINENENG

JULIA KLARISSE BASE

LARAH CLAIRE SABROSO

MAY ISANG PANGARAP

TEEN GEN

TEEN GEN STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with