^

Pang Movies

Pero ayaw maikumpara BB handang makipagsalpukan kay Vice Ganda

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si BB Gandanghari na as much as possible ay hindi niya gustong pinagkukumpara sila ni Vice Ganda simply because magkaiba naman sila.

“Hindi sa ayaw but there’s nothing really to compare. With all due respect to Vice Ganda, but there’s really nothing to compare. He’s doing his own thing, ako mismo natatawa sa kanya, but I’m not doing the things that he does. In the same manner that he’s not doing the things I do,” sabi ni BB nang makatsikahan namin siya sa kayang pocket presscon recently para sa bago niyang political play na Halik ng Tarantula.

So, puwede silang magsama sa isang network dahil magkaiba naman sila ng ginagawa?

“Siguro naman. Hindi naman siguro napakaliit ng mundong ito para sa amin ni Vice Ganda although pareho kaming maganda,” biro pa ni BB.

Natanong nga rin namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng utol niyang si Robin Padilla na hindi siya puwedeng pumunta sa ABS-CBN dahil nandun na si Vice Ganda.

“Binawi naman daw (ni Robin ang statement),” sambit na lang ni BB.

Ano naman ang reaksiyon niya na ’pag napapanood siya ni Binoe sa Enchanted Garden doing the role of Michiko ay nanghihinayang ang nakababatang kapatid dahil ang mas gusto nitong mapanood ay si Rustom Padilla?

“Eh sayang, ang galing ni BB,” sagot ni BB na nakangiti. “Sana walang prejudgment kasi, in fairness kay BB, magaling siya bilang Michiko.”

After Enchanted Garden ay pahinga raw muna siya sa telebisyon dahil ang paghahandaan niya naman ngayon ay ang play niyang Halik ng Tarantula. Mahirap at challenging ang role niya rito bilang Molina kaya for the next two months ay dito muna siya magko-concentrate.

How true na lilipat na siya ng network dahil nagkaroon siya ng problema sa fight instructor niya sa Enchanted Garden?

“No, hindi ako ganun ka-sensitive. Malaki ang pasasalamat ko sa TV5 at ipinagkatiwala nila sa akin ang role na Michiko. And even ’yung costume, ang ganda. Up to the last minute happy ako the way they provided for the role. ’Yung mga konting problema na ’yun, tungkol lang ’yun sa mga fight scene na hindi nare-rehearse. Paano gagawin ng tama? ’Yun lang naman ’yun,” paliwanag niya.

Pero kung saan ang magandang project ay doon siya dahil as of now ay hindi naman siya exclusive sa anumang network.

Ayon kay BB, isang malaking challenge sa kanya ang play na Halik ng Tarantula dahil first mature role niya ito sa buong pag-aartista niya kasama na ang dating career as Rustom Padilla.

Ang nasabing play ay adapted from the film and Broadway version of Kiss of the Spider Woman by Manuel Puig. Ayon kay BB ay gustung-gusto niya noon pa ang story nito at nang minsang mag-usap sila ni Direk Soxy Topacio, sa Sayaw ng Señorita, nabanggit niyang gusto niyang gumawa uli ng play.

Ang Halik ng Tarantula ay mapapanood sa March 6 sa Teatrino Promenade Greenhills with a limited run on March 7, 8, and 9.

 

 

vuukle comment

AFTER ENCHANTED GARDEN

ENCHANTED GARDEN

HALIK

MICHIKO

NAMAN

NIYA

RUSTOM PADILLA

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with