^

Pang Movies

Sex scenes ni Richard kina Sarah at Solenn nakakatuyo ng laway

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatikim ng hagupit ng Movie and Television Review and Classification (MTRCB) ang poster at kabuuan ng pelikulang Seduction ng Regal Entertainment, Inc. Poster pa lang ay nakatikim na ito ng tatlong beses na disapproval kaya naman hindi masyadong lumutang ang pagiging erotic ng artista ng pelikula na sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaff.

Although walang kinalaman sa publicity materials, sumakit din ang ulo ni Direk Peque Gallaga kung paano puputulan ng mga maiinit na eksena ang pelikula. Gustuhin man niyang ilagay lahat sa running time ng pelikula, nalimitahan din siya ng MTRCB dahil kinailangang magputol ng mga eksena para sumakto sa tamang oras ang movie.

Kumpara kasi sa ginawa niya noong Scorpio Nights na hindi dumaan sa censors that time dahil ipinalabas ’yon sa Experimental Cinema of the Phi­lippines, ngayon ay obligado si Direk Peque na idaan ang movie sa MTRCB.

Nagpapasalamat naman siya dahil naging intact naman ang gusto niyang eksenang naisama sa pelikula. Para sa veteran director, hindi naman walang humpay na sex scenes lang ang mapapanood sa pelikula.

Pero huwag ka, sa ipinapanood na maiinit na eksena ni Richard kina Sarah at Solenn, halos hindi kumukurap ang media dahil nakakatuyo talaga ng laway ang eksena nila.

Lovi umamin, Rocco special na talaga

Hang out-hang out lang (HOHOL) ang drama nina Lovi Poe at Rocco Nacino. Lagi man silang spotted sa ilang lugar, friends lang ang drama nila komo nga meron din silang common friends.

Natsismis kasi sina Lovi at Rocco nang gawin nila ng Yesterday’s Bride na patuloy na umaariba sa ratings. Eh ngayon pang hiwalay na si Rocco kay Sheena Halili kaya hindi mamatay-matay ang tsismis na meron silang relasyon.

Nang makausap ng press ang aktres sa pocket presscon ng series nila, panay tawa ng hitad na panunukso sa kanya kay Rocco. Hindi rin niya masagot ng diretso kung tropa-tropa lang ang aktor.

 â€œWe’re good friends ever since naman nung magkatrabaho kami. Mas naging close lang nang magsama uli kami. Close talaga kami ni Rocco. Hahaha!” rason ni Lovi na tawa nang tawa.

Ayon kay Rocco na sabay nakausap ng press, special daw si Lovi sa kanya. Tanungin na lang daw ang aktres kung ano ang treatment sa kanya.

“Special din naman si Rocco sa akin,” sabi ng aktres.

Gaano ka-special?

“Secret ko na lang! Hahaha!” iwas niya.

vuukle comment

DIREK PEQUE

DIREK PEQUE GALLAGA

EXPERIMENTAL CINEMA OF THE PHI

HAHAHA

LANG

LOVI

LOVI POE

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with