^

Pang Movies

Luis malabong pakasalan si Jennylyn ng basta-basta lang

ISYU AT BANAT - Edd de Leon - Pang-masa

Natawa na lang si Gov. Vilma Santos nang tanungin namin siya noong isang araw tungkol sa kumakalat na tsismis na pinakasalan na raw ng kanyang anak na si Luis Manzano si Jennylyn Mercado sa Hong Kong.

“Puwede ba namang mag-asawa si Luis nang hindi ko nalalaman? Inaamin ko dahil busy din naman siya sa trabaho niya, and he stays in Metro Manila most the time, may mga araw talagang hindi kami nagkikita o nagkakausap. Pero ang pag-aasawa, isang major decision ’yan na sa palagay ko pinaplano pa lang niya, sinasabi na ng anak ko sa akin. You must remember I am just sa phone call away.

“So far lahat naman ng gawin niyang desisyon sinasabi niya muna sa akin. Hindi naman ako nakikialam sa kahit na anong desisyon niya, alam naman niya iyon. Kaya lang siguro iyong anak ko naman naghahanap din ng ibang opinion kung minsan.

“Ganoon naman ako kahit na kay Ryan, o kahit na kay Ralph. Basta kami we discuss things, nagbibigay ako kung minsan ng opinion pero hindi ako nakikialam sa desisyon nila. Desisyon nila iyon eh. At alam naman nila na kung anuman iyon nakasuporta ako sa kanila. Pero masasabi ko, at least, napag-usapan namin kung ano man ang desisyon nila na susuportahan ko just in case,” pahayag ng Star For All Seasons.

Basta ang nakikita ko kina Jen at Luis, happy naman sila with each other. Nagkakasundo sila talaga so, happy din naman ako para sa kanila.

“Pero pareho naman silang naka-focus sa kanilang career kaya palagay ko hindi pa rin nila naiisip ang mga bagay na ’yan,” sabi pa ng aktres.

Joshua biktima rin ng internal problems sa GMA?

Marami talaga ang nagtatanong tungkol kay Joshua Dionisio. Nagsimula siyang sumikat bilang isang child star. Noong ma­ging teenager, nakuha naman ng GMA 7 at itinambal nga kay Barbie Forteza, lalo naman siyang sumikat.

Noon mismong nasa peak ng po­pularidad ng kanilang love team, naisipan ng GMA na itambal muna sa iba si Barbie, at ganoon din daw ang gagawin kay Jo­shua, pero walang project na lumabas para sa teen actor. Hanggang isang araw ay si­na­bing mag-aaral na lang siya mu­na siya at hindi na muna mag-aartista.

Ngayon pala, wala nang kontrata si Joshua sa GMA. Open naman siya kung may kukuha sa kanyang guest sa ibang shows at kahit na saang network.

Hindi kaya nagkaroon din ng internal problems si Joshua kaya nawalan ng gana sa showbusiness? Noon kasi bigla rin ang pagkawala ng kanyang mga show eh.

Aktres nagtataray na sa may-ari ng tindahang inuutangan nagkatrabaho lang

Tinatarayan daw ngayon ng isang dating sikat na bold actress ang may-ari ng isang sari-sari store na malapit sa kanila kasi may panahong ayaw na siyang pautangin dahil hindi naman siya nakakabayad. Wala naman kasi siyang trabaho.

Eh ngayong nakakuha na ng taping, tinatarayan na niya ang may-ari ng tindahan.

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

HONG KONG

JENNYLYN MERCADO

JOSHUA DIONISIO

LUIS

LUIS MANZANO

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with