^

Pang Movies

Sunshine Dizon napagkamalang si Sunshine Cruz!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang mga tao na nagkomento na shocked na shocked sila sa katabaan ni Sunshine Cruz nang umapir ito sa Magpakailanman.

Dyusko, katangahan ang pinairal ng mga nagkomento sa social media dahil si Sunshine Dizon at hindi si Sunshine Cruz ang nag-guest noong nakaraang Sabado sa drama anthology ng GMA 7 ’no?!
Magkakalat lang ng impormasyon, mali pa! Magkaibang tao sina Sunshine Cruz at Sunshine Dizon. Busy ang Sunshine Cruz sa pakikipag-away sa starlet na si Krista Miller at nangangarap nang mamayat si Sunshine Dizon na gusto nang bumalik sa showbiz, matapos magbuntis at manganak ng dalawang beses.

Bagong ‘babae’ ni Cesar palaban kay Sunshine

Mukhang palaban ang starlet na si Krista Miller dahil may mga sagot siya sa mga patutsada sa kanya ni Sunshine Cruz.

Si Krista ang inaakusahan ni Sunshine na bagong babae sa buhay ni Cesar Montano at starring siya sa The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

Dahil sa eskandalo ng pagkaka-link niya kay Cesar, biglang naging interesado kay Krista ang mga tao. Lumalabas na rin ang ilang mga detalye tungkol sa kanyang pagkatao. May mga nagsasabi na Assumptionista si Krista kaya Inglesera siya. Malakas daw talaga ang sex appeal ng dalaga kaya pansinin siya ng mga lalaki.

Asahan natin na marami pa ang mga kuwento na lalabas tungkol kay Krista dahil sa break na ibinigay sa kanya ni Sunshine. Kung hindi nag-ingay si Sunshine, mananatiling da who si Krista.

No comment pa si Cesar tungkol sa isyu pero may apela sa media ang kanyang kampo na “give Cesar and Sunshine their understanding and prayers so they can resolve whatever differences they may have at this time.”

Maraming pinagkakaabalahan si Cesar, ang taping ng Never Say Goodbye at ang shooting ng The Turning Cradle.

Mula Lunes hanggang Linggo ang trabaho niya kaya halos wala na siyang oras para sa sarili.

Ni hindi nga napansin ng mga reporter na bumisita sa shooting ng The Turning Cradle na may mga personal issue na pinagdaraanan si Cesar bilang marunong ito na magdala ng problema. Kung hindi pa nga nag-ingay si Sunshine sa Twitter at Instagram, hindi malalaman ng madlang-bayan ang isyu na normal na nararanasan ng mag-asawa.

Dr. Belo may nadiskubreng bagong klase ng stem cell

Magkikita kami bukas ni Dr. Vicki Belo dahil pag-uusapan namin ang isang bagong klase ng stem cell therapy na nag-originate sa Russia.

Excited ako na malaman ang bagong discovery ni Mama Vicki na hindi tumitigil sa kanyang research para sa lalong ikagaganda ng mga pasyente ng Belo Medical Center.

Hindi marunong makuntento si Mama Vicki kaya naman number one pa rin ang Belo Medical Clinic sa Pilipinas. Marami na ang sumubok na mapantayan at malampasan ang achievements ni Mama Vicki pero nabigo sila.

LT bumiyahe sa sinulog

Nagpapasalamat si Lorna Tolentino sa mga kababayan natin sa Cebu City dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa cast ng Pahiram ng Sandali ng GMA 7.

Bumiyahe kahapon si LT sa Cebu para sa Sinulog Festival. Tuwang-tuwa siya dahil kilalang-kilala ng mga Cebuano si Janice, ang pangalan ng karakter niya sa Pahiram ng Sandali. Sinabi kay LT ng mga Cebuano na pinapanood nila ang Pahiram ng Sandali.

 

vuukle comment

KRISTA

KRISTA MILLER

MAMA VICKI

PAHIRAM

SANDALI

SUNSHINE

SUNSHINE CRUZ

SUNSHINE DIZON

TURNING CRADLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with