^

Pang Movies

Ella nabago na ang buhay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Napakalaking break ang nagawa ng Aryana kay Ella Cruz na siyang bida ng fantaserye.

“Sobrang malaki po ang ibinigay nitong pagbabago sa aking buhay at simula na para maabot ko ang aking tagumpay. Ngayon po ay may condo na ako at ’di na kailangang pabalik-balik ako ng Bulacan at may gadget na ako gaya ng Blackberry cell phone,” sabi ng bagets.

Laurice Guillen ’di na uli mag-aasawa

Inamin ni Laurice Guillen sa presscon ng Aryana na masunurin siyang artista. Hindi mahalaga sa kanya kung bata man ang kanyang director. Nai-stress pa nga siya kapag tinatawag na lola sa set.

Naikuwento rin ng actress-director na nag-e-enjoy siya sa showbiz kaya wala nang planong mag-asawang muli.

Naitsika rin niya sa amin na noong una pala siyang mapunta sa San Juan, Batangas, na siyang location ng Aryana, ay natakot siya dahil mabangin ang lugar at takot siya sa daan. Lalo siyang takot dahil baka raw may NPA sa lugar.

Pero ngayon ay nalulungkot na siya sa pagtatapos ng Aryana dahil nagkaroon sila ng magandang bonding ng mga artista at para na silang isang pamilya.

Atty. Persida ayaw sa death penalty pero pabor sa divorce

Nakakuwentuhan namin si Atty. Persida Acosta at iba’t ibang paksa ang aming napag-usapan. Hindi siya pabor sa death penalty pero pabor na maipasa ang batas sa diborsiyo kesa naman nagtitiis ang isang babae sa kanyang asawa lalo’t kung malupit ito sa kanya. Bilang abogada, nagkaroon na rin pala siya ng mga death threat.

May offer siya sa ibang network at wala pang bagong programa sa TV5. Natutuwa nga ang public lawyer dahil may offer din siyang lumabas sa pelikula na ang role ay kung hindi isa ring abogada ay doktora naman ang gagampanan, nag-e-edorso rin ito ng produkto.

Kahit galing sa hirap, nagtagumpay si Atty. Persida sa buhay dahil matalino at matatag ang prinsipyo. Isa siyang consistent honor student at scholar noong nasa college pa kaya nakapagtapos ng abogasya.

vuukle comment

ARYANA

BATANGAS

ELLA CRUZ

LAURICE GUILLEN

PERSIDA

PERSIDA ACOSTA

SAN JUAN

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with