^

Pang Movies

Aiai parang nakikipaglambingan lang sa dyowa kahit nakikipagsikuhan at sinasakal na ang leeg

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nababawasan na ang away-bati ng magdyowang sina AiAi delas Alas at Jed Salang. Natatawa nga ’yung kuwento ni AiAi minsang mag-away sila ni Jed sa isang resto sa Makati City.

“Nabuwisit ako sa kanya. Nag-walk out ako. Hinabol niya ako’t pinigilan. Pero habang sinisiko ko siya at sakal niya ako sa leeg, biglang nawawala ’yung away namin kapag may gustong magpa-picture sa akin!

“Eh hindi naman kami halatang nag-aaway. Parang naglalambutsingan lang kami. Natitigil ang away namin kapag may gustong magpakuha ng picture! Nakakaloka! Hahaha!” tsika ni AiAi nang magkita kami sa Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City last Friday.

Pero ngayon, may tarayan mang nangyayari pa rin sa kanila, minsan-minsan na lang maganap ’yon. Lalo na nga’t sa Feb. 2 ay isang taon na ang kanilang relasyon.

Knows naman kasi ni AiAi na malaki ang agwat ng edad nila ni Jed. Palibhasa guwapo kaya hindi maiwasang magustuhan pa rin siya ng mga babae. Pero sa tuwing magseselos si AiAi, alam na niya ang weakness nito kaya agad natatanggal ang imbiyerna niya sa boyfriend.

Kahit laging kasama si AiAi, tumutulong pa rin si Jed sa family business nilang pagiging car dealer ng Kia kung saan sales manager ang trabaho niya sa Alabang branch nito. Kaya bilang namamahala sa sales, target niyang makabenta ng 30 units ng sasakyan every month na pinagsisikapan niyang tuparin.

Cacai babawi na lang sa Foursome!

Batbat na nga ng intriga’t kontrobersiya, hindi pa kumita ang Silver Rewind na nang muli itong gawin sa Arena sa Pasay City last Jan. 5, ayon sa producer nitong si Cacai Mitra. Kaya nga babawi siya sa Feb. 14 Foursome concert sa nasabi ring venue na pagsasamahan sa unang pagkakataon nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

“’Yung kinita nung unang Silver, napunta rin sa gastos sa Silver Rewind. Kaya naman gusto kong makabawi sa Foursome. Hahaha!” sambit ni Cacai nang tanungin ng press.

Ang mahal niyang binayaran ay ang mga suppliers ng equipment at iba pang ginamit sa concert. Merong hindi naningil pero nagbigay din siya ng honorarium sa ibang guests.

Kaya naman last December ay inilabas na nila ang tickets sa Foursome at natutuwa naman siya dahil malakas agad ang benta nito. Umaasa rin siyang madadala nila ni Ana Puno ang concert sa abroad dahil alam niyang malakas sa mga Pinoy ang nagsasama-sama ang malalaking concert performers.

vuukle comment

ANA PUNO

CACAI

CACAI MITRA

FEB

HAHAHA

JED SALANG

KAYA

PERO

SILVER REWIND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with