^

Pang Movies

Katotohanan sa likod ng kulam, babasagin ni Atom

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Babasagin ni Atom Araullo ang katotohanan sa likod ng kinatatakutan at pinaniniwalaan kulam ng ilan sa mga Pilipino sa kuwento mismo ni  Virginia na nakaranas umano ng pangungulam sa loob ng maraming taon ngayong Biyernes (Jan. 11) sa Pinoy True Stories: Hiwaga. 

Ayon kay Virginia, nagsimula ang pangungulam sa kanya matapos hindi magkasundo ang kanilang mga pamilya dahil lang sa mana.

Una ay inatake ng aso ang kanyang anak na sinundan ng nakapagtataka pang mga kaganapan sa kanyang pamilya tulad ng pagkakaroon ng tatlong buwang lagnat, biglang paglagas ng buhok ng kanyang anak, butas sa lalamunan ng kanyang ina na singlaki ng piso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay, at pagkamatay din ng manggagamot na tumutulong sana sa kanya.

Inisip niyang taka-san ang mga sumpa sa pamamagitan ng pag-alis sa probinsiya ngunit hindi rin ito nakatulong dahil sinundan siya ng kulam saan man siya magpunta. Maging ang mga agimat na inaasahan niyang magpoproteksiyon sa kanya ay nasira o nawala.

Posible kayang mawala ang bisa ng kulam kay  Virginia o susundan siya nito hanggang kamatayan?

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

AYON

BABASAGIN

BIYERNES

HIWAGA

INISIP

JAN

PILIPINO

PINOY TRUE STORIES

POSIBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with