Female celebrity ubod ng plastic ’pag kaharap ang fans
Hindi pa rin pala nagbabago ang panget at plastic na ugali ng female celebrity kaya kinaiiritahan na naman siya ng mga nakakasama niyang staff ng show na kinabibilingan nito. Hindi na talaga naiba ang kanyang ugali kahit pumasok na ang Bagong Taon.
Kelan lang ay pumunta ang female celeb sa lugar na maraming tao kasama ang ilang mga bossing ng isang charitable organization na kiyemeng tinutulungan niya.
Para lang sa magandang image, akala mo ay mabait at matulungin siya. Pero kapag nakapasok na pala sa sasakyan niya ay diring-diri sa mga kinamayan, niyakap, at humalik sa kanya.
“Hindi na mababago ang pagiging plastikada ng babaeng ‘yan. Akala ko noong una okay siya dahil tuwang-tuwa siya kapag maraming tao.
“‘Yun pala, hate niya ang ginagawa niya. Kung hindi lang sa image na pinapakita niya na kailangan na kailangan niya, hindi raw niya iyon gagawin,†sabi ng aming source.
Panay daw ang reklamo ng female celebrity sa manager nito na ayaw na niyang gawin ang pinapagawa sa kanya. Pero walang choice dahil kailangan nito ng mabangong image kesehodang sa mabahong lugar siya pumunta.
“Wala siyang magawa dahil kailangan niyang makabawi sa mga kapalpakan niya last year. Kaya kahit paplastik ay ginagawa niya dahil ‘yun naman daw talaga ang ugali nito.
“Naku hindi pa niya alam na hindi na uso ang plastic at mga reusable at recycle bag na ang in!
“Kung hindi pa niya baguhin ang ugali niya, makakasama na siya sa mga artistang mamamahinga na tulad ng mga plastic. Magiging obsolete na siya kaya magpakabait na kasi siya para ma-recycle na,†sabay tawa ng source namin.
- Latest