^

Pang Movies

Bossing ng GMA naghahanap ng lawyer sa Switzerland!

Jun Nardo - The Freeman

MANILA, Philippines - Naglabas din si Atty. Annette Gozon-Abrogar ng posts sa kanyang Face Book account na aming nabasa bukod sa statement na ipinalabas niya tungkol sa tweets ni Sarah Lahbati. In general ang statement ni Miss Annette na nag-iisip na siya ng legal na aksiyon sa paratang ng GMA talent.

Pero sa FB account ng GMA Films president, nagtatanong na siya sa kung sino ang kakilala niyang lawyer sa Switzerland, huh! May sumagot naman friend niya sa FB na handang tumulong sa kanya.

Prior sa tanong niya sa lawyer, may naka-post na crimes na punishable sa Cyber Crime Law ng bansa at isa roon ang libel.

Sa mga tweets ni Sarah, sa Switzerland ang target niyang pumunta dahil sa kaguluhang kinasangkutan niya. Although nandito pa sa bansa ang girlfriend ni Richard Gutierrez, may foresight na si Atty. Annette kung sakaling pumunta nga sa Switzerland si Sarah.

 Sa ganang amin, nagtataka lang kami sa pagiging quiet ng mother ni Sarah. Being the mom, hindi ba mas mabuting siya ang dumipensa sa anak dahil siya itong may alam ng totoo? Sabi, matapang at matalino ang mom ni Sarah so hindi ba dapat, siya naman ang sumangga sa mga paratang sa anak?

Pati ang ICONS Management ay super-quiet sa isyu eh samantalang nama-malign na ang kanilang kumpanya. Being a lawyer too, alam dapat ni Bebong Munoz na silence is tantamount to admission of the allegations, huh!

Geoff gustong makipagsabayan kina Dingdong at Richard

Handa raw si Geoff Eigenmann na sabayan ang ginawang pagpapakita ng puwet nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa kanilang mga pelikula.

“I can do that! Ako naman, I never had problems or hesitations when it comes to doing things like that especially if the script calls for it. Depende na lang kung gusto ng tao na makita ang puwet ko na ganito ang katawan ko!

“Siyempre, preparation comes into that also. As much as possible, be prepared for…Yeah! Game naman ako!” paliwanag ni Geoff after ng presscon ng bago niyang series sa GMA na Forever.

Pagdating naman sa relasyon nila ni Carla Abellana na two years na sa September, hindi pumasok sa isipan niya na naging sagabal ito sa growth nila bilang artista.

“No, no! Eversince, hindi naging problem sa amin ni Carla ‘yung typical na kissing scenes. May love scene ka na naman. Never naging…In the first place, how we started, alam naman namin na ito ang trabaho namin.

“Bago pa naging kami, nandiyan na ‘yung rules na ‘yan. Now that we’re together, hindi namin iniisip kung ano ang mararamdaman…Hindi sa hindi iniisip. We really don’t have to take into consideration kumbaga!” paliwanag ng boyfriend ni Carla.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BEBONG MUNOZ

CARLA

CARLA ABELLANA

CYBER CRIME LAW

DINGDONG DANTES

FACE BOOK

GEOFF

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with