^

Pang Movies

Bakat ni Derek pinagkakaguluhan!

- Vivia Vivar - Pang-masa

Fit na fit kay Derek Ramsay ang kanyang costume sa Kidlat kaya naman medyo nahihirapan siya kapag may fight scenes dahil mainit nga raw.

“So, ’pag nagpa-fight scene ka sa ilalim ng araw, pawis na pawis. Bumili nga ako ng isang body suit para dun pumunta lahat ng pawis. And I can lose five to ten pounds in one day… of water,” sabi niya.

By the way, ang gumawa pala ng costume ni Derek for Kidlat ay one of the guys na gumawa raw ng costume ng X-Men.

“Nung nakita nga niya ang concept ng Kidlat, nagustuhan niya, and he came here for two weeks, lumipad siya rito and nag-body cast ako. Ang haba ng proseso, one fitting after the next. Grabe ’yung body cast, hindi ko na kayang ulitin ’yun,” he said.

Marami raw ang gi­na­wang costumes for him.

“Merong ’pag aakyat ako sa stage, meron akong tatlo na pang-fight scene, ’tapos dalawa na pang-double. So, mara­ming suits na ginawa,” share niya.

Dahil nga fit na fit sa kanya ang costume, madalas ay binibiro siya sa set ng “Felix Bakat” which means bumabakat ang hindi dapat bumakat.

Samantala, bukod sa Kidlat ay may iba pang naka-line up na project for Derek sa TV5. May ibi­nibigay nga raw na isa pang reality show ulit sa kanya after The Amazing Race Philippines.

Daniel at Enrique tuloy ang pagtutuos sa basketball court

Ang pinaka-aabangang final basketball match nina Daniel Padilla at Enrique Gil ng Princess and I ay naka-all set na.

Gaganapin ang paglalaban ng dalawang leading men ni Kathryn Bernardo sa Sunday, Jan. 20 sa SM Mall of Asia (MOA).

Matatandaang nakaka-dalawang game na rin ang nasabing young actors kung saan sa unang laban ay nanalo si Enrique habang ang game 2 victory naman ay nasungkit ni Daniel.

Kaya naman para malaman kung sino talaga sa dalawa ang dapat hiranging champion ay nagkasundo ang lahat na kailangan nila muling magharap sa pangatlo at huling pagkakataon.

Ang “royal” match na pinamagatang Princess and I Royal Fair: Final Game ay dadaluhan ng buong cast ng Princess and I sa pangunguna ni Kathryn.

Sa rami ng kita... Vice Ganda bibili ng beach reasort para may pagbabakasyunan sa Holy Week ang pamilya

For this year, gustong makabili ni Vice Ganda ng isang beach resort sa Batangas para raw meron naman silang bakasyunan ng pamilya niya ’pag Holy Week.

 â€œGusto ko bago mag-Holy Week magkaroon na ako ng beach resort. May tiningnan na nga kami,” he said.

Biniro nga siya na sa laki ng kinita ng Sisterakas kung saan ay kasosyo siya, kahit dalawa ay puwedeng-puwede siyang bumili.

 â€œPero wala pa sa amin (ang kita) kasi matagal daw ’yun, mga March pa yata makukuha,” he said.

Gusto rin niyang mag-produce ng sariling concert sa May at may plano rin na gawan ng part two ang Unkabogable Praybeyt Benjamin.

Baka wala nang sequel ang Sisterakas dahil nagsalita na nga si Kris Aquino na hindi na siya sasali sa Metro Manila Film Festival.

 

AMAZING RACE PHILIPPINES

DANIEL PADILLA

DEREK

DEREK RAMSAY

HOLY WEEK

KIDLAT

PRINCESS AND I

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with