^

Pang Movies

Ibinuko ng writer, ayaw magsuot ng harness sa taping kaya lumayas: Pagsisinungaling ni Sarah L., lumabas na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Marami nang nagbibigay ng kanilang opinion tungkol sa issue ngayon between GMA Network and one of their homegrown talents na si Sarah Lahbati. May nagsabing dapat ay maayos ito dahil naapektuhan din ang ibang talents at mga taga-production. Isa nga si Suzette Doctolero, head writer ng Indio, na sinabi kung ano ang pagkukulang ni Sarah kaya hindi siya agad nai-shoot. Bukod sa matagal na paglalagay ng makeup at tattoo as she is one of the diwatas sa story, nang magti-take na siya na dapat ay naka-harness siya, ayaw daw pumayag ni Sarah. 

Masakit kasi ang magsuot ng harness pero kailangan iyon dahil magpa­patalun-talon at lilipad siya. Matagal na raw naibigay ang script kay Sarah kaya alam niyang magsusuot siya ng harness. Ilang pakiusapan pa ay saka raw lamang pumayag mag-harness ang young actress.

 â€œKahit sina Angel Locsin at Marian Rivera, hindi sila nagreklamo nang magsuot sila ng harness nang gawin nila ang Darna, and she is not yet Angel or Marian,” sabi pa ni Suzette. â€œSaka hindi totoo na umalis siya ng five o’clock ng umaga. Umalis siya ng 2:30 dahil iyon ang oras na tinawagan nila ako para mag-revise ng script dahil umalis daw ang artista nila. Kaya ang nangyari, nag-packup na lamang sila dahil wala na silang kukunan. Wala pa sanang thirty minutes kukunan ang insert shots na iyon at tapos na, hindi pa niya tinapos.”

Sa huling official statement ng GMA, they still maintain its position sa violation ng contract ni Sarah at ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa pagwo-walk out niya ang magiging deciding factor kung paano magwawakas ang usaping ito. Ayaw din muna nilang mag-comment sa ibang statements ni Sarah na walang kinalaman sa violation niya ng contract sa GMA Network.

Richard magso-solo sa promo ng sexy film

Bukas dapat (Monday) ang presscon ng Seduction ng Regal Entertainment, Inc. at sina Richard Gutierrez at Direk Peque Gallaga na lamang ang haharap sa entertainment press, wala na si Sarah Lahbati. 

Wala pa kasi si Solenn Heussaff na nasa holiday vacation pa with her boyfriend sa Argentina. Sa Jan. 30 na ang opening day ng Seduction.

Sarah makikipagkantahan sa Filipino Flash

First time mami-meet ng personal ni Sarah Geronimo ang tinaguriang Filipino Flash na si Nonito Donaire, as her special guest mamaya, after ng Rated K, sa Sarah G. Live sa ABS-CBN. Singer din kasi ang boxing champion kaya may song number sila. 

First time rin kakanta sa show ang mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada at first time rin ang special na pagbisita ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa show. Guest co-hosts nina Sarah at Luis Manzano sina Daniel at Robi Domingo pero kasama pa rin si Gab Valenciano sa special New Year’s presentation ng show.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DANIEL PADILLA

DIREK PEQUE GALLAGA

FILIPINO FLASH

GAB VALENCIANO

KARLA ESTRADA

SARAH

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with