Parang si Angel: Zanjoe inilabas ng todo ang galing sa aktingan
May karapatan naman pa lang pumalag ang fans ni Angel Locsin sa labanan ng best actress sa nakaraang awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pagkahusay-husay ni Angel sa kanyang role sa pelikulang One More Try. Lahat ng katabi ko sa sinehan ay panay ang hikbi at punas ng luha sa mga eksena ni Angel.
Aktres na aktres si Angel sa kanyang performance sa One More Try. Kaya wish ng mga tagahanga na hindi makakalampas sa ibang award-giving bodies ang winning performance ng aktres.
Hindi rin naman nagpahuli si Angelica Panganiban na bagay sa kanyang role na asawa ni Dingdong Dantes.
Napakahusay ring umarte ni Zanjoe Marudo bilang nobyo ni Angel sa pelikula. Panay palakpak ng katabi kong pa-girl. Sabay sigaw ng “Papa Zanjoe come to mama, please!!!” sa bawat pagtulo ng luha ng hunk actor.
Aktor na rin si Zanjoe na nagpamalas ng kanyang talent sa pag-arte na damang-dama mo kung gaano kabigat ang dinadala niyang sakit. Sabagay sa 24/7 in Love pa lang na movie rin ng Star Cinema ay nagpakitang gilas na si Zanjoe sa aktingan.
Wilma malaki ang dapat ipagpasalamat kay Vice Ganda
Tuwang-tuwa naman ang manonood sa pagiging game na game ni Kris Aquino bilang kontrabida ni Vice Ganda dahil kalaban ito ng kanyang kumpanya sa pelikula nilang Sisterakas.
Bago sa paningin ng mga manonood ang pagiging komikera ni Kris dahil hindi sila sanay makita ang presidential sister na nagpapatawa. Nag-blend ang pagpapatawa ni Kris kina AiAi delas Alas at Vice Ganda na pasado sa mga manonood na parang wala namang effort sa part ng TV host dahil natural ang kanyang atake.
Samantala, dapat magpasalamat si Wilma Doesnt kay Vice dahil nadala siya ng komedyante. Kahit maraming nagtataka kung paano siyang tinanghal na best supporting actress sa nakaraang awards night.
Kontrobersiya kay Bea nakaapekto sa show
Pinataob ng Be Careful with My Heart ng ABS-CBN ang palabas ng GMA 7 na Cielo de Angelina na kahit pinalipat na sa ibang time slot pero hindi pa rin sila nakalaban sa pambatong palabas ng Kapamilya Network.
Malaking epekto rin ang kinasangkutang isyu ni Bea Binene kaya natalo ang kanyang palabas. Ang alam pa naman ng cast buong Cielo ay aabot pa sila hanggang January ng 2013.
Dapat makabawi si Bea sa susunod niyang project sa GMA 7 na obviously pati ang tandem nila ni Jake Vargas ay naapektuhan sa pagkatigbak ng maaga ng Cielo de Angelina.
- Latest