Female starlet, tumitira ng marijuana tuwing mai-stress!
Walang takot ang female starlet sa kanyang masasamang bisyo. Kaswal nga lang kung pag-usapan na siya ay gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Hindi naman daw siya talamak o sugapa tulad ng iba. May control naman siya at alam niya kung sobra na ang gamit kaya tinitigil niya.
Pero pinagpapayuhan pa rin siya ng kanyang mga kaibigan na tigilan na ang kanyang ginagawa dahil hindi siya sigurado kung kakayanin pa niya kapag totally na-hook na siya sa droga na tine-take niya.
Naloka nga ang isang fashion stylist nang makatrabaho niya ang starlet sa isang photo shoot. Sa kalagitnaan kasi ng kanilang trabaho ay bigla itong naglabas ng isang cigarette case at ang laman ay marijuana. ‘Tapos ay naglabas pa ito ng maliliit na papel at at binalot niya ang marijuana roon. Sabay pumunta sa ladies room at doon sinindihan ang damo para hithitin.
Nawindang ang stylist at sinumbong niya sa photographer at sa editor ng magazine ang ginawa ng starlet. Pareho ang sagot ng dalawa na sanay na raw sila sa ugali na iyon ng kanilang guest. Kapag stressed na ito, nagsisindi raw talaga iyon ng damo para ma-relax siya.
Pero para sa stylist ay mali ang paraan na iyon at hindi nila dapat tino-tolerate ang pagma-marijuana sa trabaho ng female starlet.
Reaksiyon naman ng editor at photographer, ilang beses na nilang pinagsabihan ang starlet pero hindi naman nakikinig. Kaya pinapabayaan na lang nila.
Kapag naranasan na niya ang masamang epekto nang pinaggagagawa, titigil din daw ‘yun. Basta hindi raw nagagawang ibitin ng female starlet ang mga trabaho niya ay wala nang maririnig tungkol sa paggamit niya ng damo.
Solenn kita ang puwet
Nasa Argentina na ngayon si Solenn Heussaff kasama ang kanyang boyfriend para mag-spend ng New Year.
Umalis ang model-TV host-actress pagkatapos ng Dec. 25 dahil sinamahan niya ang kanyang family for Christmas at nakiusyoso sa first day showing ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entries at isa na roon ay ang movie nila nina Heart Evangelista, Bianca King, at Rhian Ramos na Sosy Problems.
Pero bago nagbakasyon grande ang French-Pinay ay tinapos na niya ang mga natitirang eksena para sa pelikulang kasama sina Richard Gutierrez
Tinapos na rin ni Solenn ang dubbing para sa naturang pelikula bago siya umalis para raw kapag umuwi siya ay wala na siyang iisiping naiwang trabaho.
“Ayoko kasi na may iniisip pa akong work while I’m on vacation. At least I can really relax. I deserve a vacation and I want to recharge when 2013 starts,” ngiti pa niya.
Sa Seduction under the direction of Peque Gallaga, maraming maiinit na eksena si Solenn with Richard. Pero kahit sexy ang role niya, nangako si Solenn na never siyang magta-topless sa pelikula.
“That will be too much na. I can show my behind pero not my dede,” sabay tawa ni Solenn.
“I believe that I can just show as much of my body. I still want to be a mystery sa marami. I don’t want to give it all. Tama lang na ‘yung butt ko na lang ang makita nila.”
Hindi naman ba nagseselos ang boyfriend ni Solenn kapag nababalitaang may love scenes siya sa pelikula?
“No naman. He’s very open-minded and he knows that everything I do in showbiz is work. Napaghihiwalay naman niya iyon eh. And he trusts me a lot kaya I know that I have nothing to worry about sa relationship namin,” paliwanag ni Solenn.
- Latest