^

Pang Movies

The Best of AHA! sasariwain

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, sasariwain ni Drew Arellano kasama ng kanyang mga makukulit na Ka-AHA! ang mga di-malilimutang AHAdventure sa taong 2012!

Ano nga ba ang AHA! kung walang nakatutuwang science experiments? First time na ipinakita sa Philippine TV ang mga posibleng paraan para mapigilan ng tao ang sinasabing asteroid na tatama sa Earth, sa pamamagitan ng isang experiment. Maging ang sabi-sabing nakababasag ng baso ang boses, inalam din ng AHA! kung totoo.

Napa-AHA! rin ang mga manonood nang ma­kita kung paano nga ba ginagawa ang mga barko, ang makukulay na crayons, ang mga sariwang pinya na nagiging de-lata, at kung anu-ano pa!

Pagdating naman sa extreme adventures ‘di nagpapahuli diyan ang AHA! Sa katunayan, nakipagsabayan ang programa sa mga halos buwis-buhay AHAdventures ngayong taon na tiyak na muling magpapasigaw sa mga manonood! 

Binalot din ng takot ang ilang episodes ng AHA! nitong taon.  Pero sa tulong ng siyens’ya, inalam nina Drew at ng kaniyang mga ka-AHA! kung ano nga ba ang hiwaga sa likod nitong mga di-maipaliwanag na bagay at pangyayari.  

AHA-bangan lahat ’yan ngayong Linggo ng umaga sa AHA! December 30, 9:15 ng umaga sa GMA-7.

 

vuukle comment

AHA

ANO

BINALOT

DREW ARELLANO

KUNG

LINGGO

NGAYONG LINGGO

PAGDATING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with