^

Pang Movies

Aktres ginagastusan ng non-showbiz BF para magka-career

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagastusan ng non-showbiz guy ang girlfriend niyang artista lalo na’t nabigyan ng malaking break ng network ang dyowa. Obvious na mas love niya ang aktres kumpara sa isa pang aktres na  nakaromansahan niya rin pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Eh, bahagi ng isang events company ang lalaki kaya naman hiningan niya ng tulong ang kasamahan niya rito upang mabigyan ng magandang follow up na programa ang girlfriend.

May pera rin naman kasi ng boyfriend kaya si girlfriend, secured na secured sa bagong karelasyon, huh!

GMA may pasabog sa Indio

Malaking  pasabog agad ang handog ng GMA Network sa 2013 sa isa na namang epic serye na Indio. Unang teleserye nga naman ito ni Senator Bong Revilla, Jr. kaya dapat lang na itodo ng Kapuso Network ang paggawa nito, huh!

Ang isa pang atraksiyon ng Indio bukod kay Sen. Bong ay ang naggagandahang babaeng makakaulayaw niya gaya nina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Sam Pinto, Sarah Lahbati, at iba pa.

Feeling nga ni Sen. Bong sa kapaligiran ng maraming babae, “Lalo tuloy akong pumupogi! Ha! Ha! Ha!”

Magandang follow ang Indio kay Sen. Bong na muling ipinamalas ang boxoffice attraction sa festival entry niya with Vic Sotto at Judy Ann Santos, ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at Si Ako na pumapalo sa takilya, huh!

Marian nakakuha ng bagong ‘Abogado’

Exaggerated na raw ‘yung sinasabi ng tao kay Marian Rivera ayon kay Ayen Munji Laurel na kasamang muli ng Primetime Queen ng GMA sa Temptation of Wife. Unang nakasama ni Ayen si Marian sa Amaya at doon nabuo ang maganda nilang samahan.

“Sa trabaho natin, may times na umiinit ang ulo natin. Nauubos ang pasensiya. ‘Yung tsismis sa kanya, nama-magnify lang siguro. She’s sa big star. So parang ‘yung maliliit na bagay, napapalaki,” depensa ni Ayen kay Marian.

vuukle comment

AYEN MUNJI LAUREL

ENTENG KABISOTE

INDIO

JUDY ANN SANTOS

KAPUSO NETWORK

MARIAN RIVERA

PRIMETIME QUEEN

RHIAN RAMOS

SAM PINTO

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with