Mga sosy walang intensiyong magpaka-lalim!
Today na ang opening ng eight official entries sa 38th Metro Manila Film Festival in cinemas nationwide. Ang GMA Films, kahit sila ang pinakahuling nag-presscon last Dec. 22, masaya pa rin sa pagsasama-sama ng apat nilang bida sa Sosy Problems sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Bianca King, at Solenn Heussaff. Kahit din hindi sila nabigyan ng grade ng Cinema Evaluation Board (na hindi naman applicable sa box-office returns), happy pa rin sina GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at ilan pang executives dahil sa response ng mga nanood na hagalpakan sa katatawa sa mga nakatutuwang eksena sa premiere night last Saturday, Dec. 22.
Kahit ang press na nanood ay napatawa rin. Ayon kay Ms. Annette, wala raw intensiyon ang movie nila na magpaka-lalim kundi magbigay lamang ng katatawanan sa mga manonood.
Beauty lahat ang apat na bida at mga sosy din ang mga special guest sa premiere night dahil dumating sina Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Gringo Honasan at, of course, mawawala ba si Sen. Chiz Escudero na escort ni Heart? Siyempre pa, escort naman ni Rhian ang boyfriend na si KC Montero.
Wala namang escort si Solenn dahil nauna nang umuwi ng Argentina ang boyfriend na si Nicolo Bolsico at ngayong umaga siya magbibiyahe ng 30 hours papunta roon. They will stay there for 20 days at babalik siya rito in time sa promotion nila nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ng first movie ng Regal Entertainment, Inc. for 2013 ang Seduction.
Wala ring escort si Bianca King. Naging mabait sa kanya ang press na hindi na siya tinanong tungkol kay Dennis Trillo. Baka raw early January na siya makauwi sa parents niya sa Canada, habang wala pa siyang bagong project sa GMA 7, ipinatsi-check lamang niya ang mileage niya sa PAL. Magkasama namang dumating sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. Ka-date ni Mikael Daez ang mommy niya. Hindi nakarating si Aljur Abrenica na nasa Pampanga.
Baron nahihirapang pigilan sa alak ang sarili
Hangad namin ngayong Pasko ang wish din ni Arnold L. Vegafria sa isa sa more than 60 talents niya sa kanyang ALV Promotions, si Baron Geisler, na tuluyan nang mag-undergo ng total rehabilitation. Recently lamang kasi nagkaroon na naman ng hindi magandang insidente si Baron sa mga kapwa niya TV5 artists, sina Edgar Allan Guzman, IC Mendoza, at Divine Lee, mabuti na lamang inintindi siya ng mga ito at dasal din para sa kanya ay tuluyan na siyang magbago.
Inamin ni Arnold na nagpipilit si Baron na huwag nang tumikim ng alak para hindi na siya nasasangkot sa gulo pero nahihirapan daw talaga itong pigilan ang sarili at ang ending ay lagi itong nagso-sorry sa kanya at sa mga nagawan niya ng kasalanan.
Nagbigay ng thanksgiving and Christmas party si Arnold sa entertainment press at promise niya mas magiging maganda ang Christmas celebration nila next year dahil marami na ngang suporta na ginagawa sa mga talent niya ang press.
- Latest