^

Pang Movies

Braces ni Ryza Cenon balakid sa career

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Ryza Cenon sana ang bagong cast na idadagdag sa Temptation of Wife once binago na ang character ni Ma­rian Rivera. Friend ng bagong anyo ni Marian ang drama ni Ryza.

Eh kaso may braces sa ngipin ang hitad! Ayaw naman niyang tanggalin ito kaya dinesisyunan ng GMA management na palitan na lang siya. Kasi naman, ngayon pa nagpa-brace, ’no? Buti sana kung makakatulong ’yon sa pag-angat ng career niya.

Kaya naman agad-agad na si Sheena Halili ang ipinalit kay Ryza. Tutal naman, swak din siya kay Marian lalo na’t nagsama na sila sa Amaya. Blessing din ’yon kay Sheena nang sa gayon ay makalimutan din niya ang nangyari sa kanila ni Rocco Nacino!

Pambili ng ticket sa concert ng Korean singer, ipinamasko na lang

Mahina raw ang benta ng tiket para sa concert ng  phenomenal Korean singer na si Psy. Kaya naman nakansela ang pagpunta niya sa bansa this year.

Kasi naman nakaka-uta na ang kanyang kanta, huh! Tapos, iisa lang naman ang kanyang hit. So, bakit nga naman pag-iinteresan pa ng Pinoy na panoorin ang concert niya, ’di ba?

Mas mabuting gamitin na lang ng Pinoy ang pera ngayong holidays. Mas marami pa silang mapapaligayang tao kesa tangkilikin ang concert ng foreign singer, huh!

Arnold Vegafria nagbigay ng importansiya

Nadagdag sa listahan ang manager na si Arnold Vegafria sa mga tumatanaw ng utang na loob sa entertainment media. Although kilala rin naman niya ang halos lahat ng press, first time niyang handugan ng salu-salo ang mga ito ngayong holidays.

Ilan sa artists ni Arnold ay sina Carla Abellana, John Prats, Andrew Wolfe, Jessa Zaragosa, at iba pa. Bukod sa talent management, involved din si Arnold sa advertising.

Nagpa-raffle ng cash at gadgets si Arnold bilang paraan niya ng pagbibigay ng importansiya sa press. Kaya naman pasok siya sa listahan ng mga manager na may concern sa media.

May ilang press kasi ang may silent boycott sa artista ng ilang talent managers na pang-sarili at ang kikitain lang ang nasa utak. May iba pang managers na maliit ang tingin sa press na kapag nabigyan na ng little something ay parang sapat na ’yon para dedmahin na sila sa mga okasyon sa showbiz.

vuukle comment

ANDREW WOLFE

ARNOLD VEGAFRIA

CARLA ABELLANA

JESSA ZARAGOSA

JOHN PRATS

KASI

KAYA

NAMAN

PINOY

ROCCO NACINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with